Mocha Uson complaint tuloy kahit nagbitiw na | Bandera

Mocha Uson complaint tuloy kahit nagbitiw na

Leifbilly Begas - October 04, 2018 - 02:35 PM

PINASASAGOT ng Office of the Ombudsman ang nagbitiw na si Communications Assistant Sec. Mocha Uson kaugnay ng reklamo ng mga miyembro ng persons with disability.

Kasamang pinasasagot ng Ombudsman ang blogger na si Drew Olivar kaugnay ng kanila umanong panggagaya sa sign language ng pipi’t bingi na ikinagalit ng mga PWD.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires sumulat na ang Ombudsman kay Uson bago pa nito inanunsyo ang kanyang pagbibitiw sa puwesto kamakalawa.

Pinagkokomento rin sa kaso si Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar na siyang boss ni Uson.

“We issued an order requiring her (Uson) and Andanar to file comments,” ani Martires na nagsabi na tuloy ang pagdinig sa reklamo kahit na nagbitiw na si Uson.

Si Uson ay inireklamo ni Philippine Deaf Resource Center executive director Dr. Liza Martinez ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, Civil Code of the Philippines, Cybercrime Prevention Act, Magna Carta for Persons with Disability, at United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities.

Nag-sorry na si Uson at Olivar sa kanilang ginawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending