Erik Matti nag-resign bilang direktor ng 'Darna' ni Liza; script pinakialaman daw Bandera

Erik Matti nag-resign bilang direktor ng ‘Darna’ ni Liza; script pinakialaman daw

Jun Nardo |October 04,2018
share this

Erik Matti nag-resign bilang direktor ng ‘Darna’ ni Liza; script pinakialaman daw

Jun Nardo October 04, 2018 - 12:25 AM


BINITAWAN na ni direk Erik Matti ang “Darna” movie ni Liza Soberano – at totoo na ito. Hindi na fake news, huh!

Ayon sa aming source, pinakialaman muli diumano ng ilang taong involved sa production ang script ng movie.

Eh, limang taon nang pinaggugulan ng panahon ng premyadong director ang paggawa nito kaya ‘yun ang nagsilbing last straw upang tuluyan na siyang kumalas bilang direktor ng pelikula.

Sa mga nakaraang tweets ni Direk Matti, pinanindigan niya sa reply niya sa isang netizen na perfect bilang Darna si Liza.

“She’s passionate and very committed. You can see it on how she is taking training and fitness seriously.”

Nahiwagaan kasi ang netizen na si @11PoisonIvy11 sa tweet ni direk Erik na, “I want to make films where every person that is part of the film is passionately invested in making sure we execute the story in the best way possible.

“I’m done making movies with people who don’t embrace the project seriously. Passion supersedes professionalism.”

Sa bawat pelikulang gawin, ramdam kay Matti ang pagmamahal sa pelikulang ginagawa kaya walang puwang ang mga taong mas inuunan ang komersiyalismo kesa sa kagandahan ng kabuuan ng movie.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending