DIRETSO nang sinabi ni Angel Locsin na ang first choice niya talaga para gumanap bilang bagong Darna ay si Liza Soberano.
Matapos ngang magpaalam sa Star Cinema na hindi na niya magagawa ang bagong movie version ng “Darna” dahil sa kanyang spine injury, ibinigay na ang proyekto kay Liza.
Dahil dito, sinabi ng rumored girlfriend ni Enrique Gil na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapaganda ang “Darna” at hindi siya mapahiya sa Star Cinema at kay Angel.
“Nakaka-touch. Nakita ko nga yung interview niya. I’m already proud (of her),” ang chika ni Angel nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa launching ng Angel Locsin Bag Collection for Avon Fashions.
Pahayag pa ng aktres, “As in sobrang proud ko na sa kanya, kasi nu’ng nag-usap kami before, na-mention nga niya na kinakabahan siya. Pero siya kasi talaga ang first choice ko, sinabi ko na sa kanya and alam kong kayang-kaya niya talaga.”
Naniniwala rin si Angel na pinag-aaralang mabuti ni Liza ang kanyang role bilang iconic Pinay superhero na mula sa panulat ni Mars Ravelo.
“Ako kasi nu’ng nag-Darna ako, nag-research ako sa mga past Darna. Nanood ako and bawat pelikulang napanood ko, may iba-iba silang pinakita, so wala talaga ‘yung Darna na iisa lang for me, kasi bawat artista, binigyan nila ng bagong flavor,” ayon pa kay Angel.
“Itong si Liza is very blessed kasi ang dami pa niyang reference and ang ganda na rin ng technology ngayon, so abangan n’yo. I think magiging sobrang ganda ng Darna na ito,” aniya pa.
Ano naman ang reaksyon niya na hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinatawag na Darna ng madlang pipol? “Thank you kasi part ng history ko ‘yon. Kung makalimutan din naman kasi ‘yon, masakit din para sa ’kin kasi pinaghirapan ko ‘yon.
“Hindi naman sa parang kini-claim mo na ikaw pa rin, pero parte kasi ng history ko ‘yon, parte ng pagkatao ko. So, nata-touch pa rin ako pag nasasabi sa akin na, ‘Hi, Darna.’”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.