MARAMING netizens ang nagtatanong kung bakit may mga suot na blue ribbon ang mga celebrities na dumalo sa ABS-CBN Ball last weekend.
Bukod sa pagsasama ng biggest and brightest stars ng Kapamilya Network para sa first ever ABS-CBN Ball at sa pagrampa nila sa red carpet suot ang nagbobonggahang suit at gown, muli ring inilunsad ang Children’s Village ng Bantay Bata 163 sa Norzagaray, Bulacan.
Ang nasabing event ay may layon na makalikom ng pondo para sa mga bata at tutulungan silang gumaling at makabangon ang mga bata mula sa kanilang madilim na karanasan sa pamamagitan ng pisikal at psychological na pangangalaga.
Sinagot ni Bantay Bata 163 program director Jing Castañeda ang tanong ng mga netizens tungkol sa blue ribbon, “It is actually the international color for child abuse. Child abuse is a worldwide phenomenon.
“It’s not just a problem in the Philippines. It’s a problem in several countries. This is our way of promoting prevention of child abuse,” paliwanag ni Jing sa interview ng ANC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.