Biglang pagbagsak ng katawan ni Kris isinisi sa taong manloloko at traydor
KAILANGAN nang bantayan nang todo ni Kris Aquino ang kanyang kalusugan. Nakakaalarma na ang matinding pagbagsak ng kanyang timbang.
Hindi niya na kailangan pang kumonsulta sa anumang beauty clinic para lang lumitaw ang magkabila niyang cheekbones.
Kitang-kita na ‘yun ngayon dahil sa kapayatan niya, yayat na yayat na ang kanyang mukha, hindi na kayang itago na may problema talaga si Kris sa kanyang kalusugan ngayon.
Pero ang lahat ng pangyayaring ito, ayon sa kampo ni Kris, ay nagsimula lang nu’ng mga nakaraang linggo nang madiskubre ng aktres-TV host ang malaking halagang nawawala sa kanyang kaban.
Sobrang naging masakit para sa kanya ang nangyari hindi lang dahil sa nawawala niyang milyones, kundi dahil sa matinding pagtitiwalang ipinagkaloob niya sa gumawa sa kanya ng kasalanan, emosyonal ang umatakeng damdamin kay Kris Aquino.
Nangibang-bansa uli silang mag-iina, magpapa-check-up uli si Kris, kahit pa katatapos lang niyang magpatingin sa kanyang mga doktor nu’ng nakaraang buwan.
Ang lahat ng kanyang dinadalang problema ngayon ay ipinaubaya na niya sa kanyang mga abogado, ayaw na niyang madagdagan pa ang kanyang stress, dahil sobra-sobra na ang kanyang pinagdadaanan ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.