TNT KaTropa natakasan ang North Port Batang Pier | Bandera

TNT KaTropa natakasan ang North Port Batang Pier

Angelito Oredo - September 30, 2018 - 09:43 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Columbian vs Magnolia
7 p.m. Rain or Shine vs Alaska

KINUMPLETO ni import Marqus Blakely sa kanyang mahirap na layup ang pagbangon ng TNT KaTropa upang maitakas ang 104-102 panalo kontra North Port Batang Pier sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2018 PBA Governors’ Cup Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Isinalpak ni Blakely ang krusyal na layup sa natitirang anim na segundo kahit tatlo ang nakabantay upang kumpletuhin ang mahirap na pagbangon ng KaTropa mula sa 23 puntos na pagkakaiwan tungo sa pagsungkit ng ikatlong sunod na panalo at kabuuang apat sa walo nitong laro.

Napag-iwanan sa 71-87 ang KaTropa sa pagsisimula ng ikaapat na yugto bago naghulog ng 33 puntos habang nilimitahan lamang sa 15 ang Batang Pier tungo sa pag-agaw sa panalo na nag-angat dito sa ikapitong puwesto.

Nahulog naman ang North Port sa ikaanim nitong sunod na pagkatalo at namimiligrong hindi makasampa sa susunod na laban.
Nagtulong sina Terrence Romeo na kumulekta ng 25 puntos, walong rebound at tatlong steal at Blakely na nagtala ng 23 puntos, 11 rebound, apat na assist at dalawang steal.

Nag-ambag naman si Troy Rosario ng 12 puntos, isang steal at dalawang block habang si Jericho Cruz ay nagdagdag ng 11 puntos para sa TNT.

Hindi nakasama ng KaTropa si Jayson Castro na hindi nakalaro sa pagwawagi ng koponan kontra Rain or Shine, 110-104, sa Iloilo City noong nakaraang Linggo.

Ikalawang sunod naman ang panalo para sa bagong coach na si Bong Ravena na katulong si Tab Baldwin sa pagrenda sa KaTropa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending