Mocha naisahan na naman ang mga anti-Duterte; ka-tandem na blogger lusot din
IN a sense ay parang “mild sanction” na rin kay PCOO Mocha Uson ang direksiyong tinatahak ngayon ng administration.
Nais kasi ng Palasyo na i-address ang economic crisis sa bansa more than promoting federalism na ipinauunawa ni Mocha sa taumbayan. With the economy as the focal point, Mocha will have to step up.
‘Yun nga lang, mukhang sa ibang aspeto tayo nabawian ni Mocha at ng kanyang kasapakat sa mga kahihiyan at katsipang pinalalaganap nila.
Tablado kasi ang NCRPO sa Kalihim ng DOJ nang hindi kinatigan ng huli ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Drew Olivar, Mocha’s cohort, kaugnay ng “bomb scare” na idinulot nito bilang babala noong selebrasyon ng Martial Law.
Giit ng DOJ, kulang umano ang mga isinumiteng dokumento para idiin at panagutin si Drew sa kanyang ginawa.
Kung matatandaan, ginawa pang “willing prop” ni Drew si Mocha nang magsadya sila sa tanggapan ng NCRPO. Kapansin-pansin sa litratong kumalat sa social media ang tila dinala nina Mocha at Drew na refreshments from a popular fast food chain.
Pero wa epek sa hepe ng NCRPO ang “suhol” na ‘yon as the office was determined to hold Drew liable for the bomb scare he had caused upon the rallyists.
Kamukat-mukat mo, habang nagbubunyi na ang mga buwisit sa “chiding-in tandem” na ito, Mocha and Drew have found an ally in the DOJ.
Kalurkey uli as in kalderetang turkey!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.