Agot walang kinatatakutan sa kampo ni Digong; mas nakakabilib kesa kay Pacman
JFK. Not the initials of the assassinated US President, kundi Just For Kicks.
Openly, napupusuan namin si Agot Isidro na balitang tatakbong Senador sa darating na eleksiyon. Ginawan siya ng page sa Facebook ng kanyang mga supporters.
Kilalang matinding kritiko ng kasalukuyang gobyerno si Agot for which she gets her share of attacks ng mga DDS. Bale ba, most of these border on the personal side.
Meron kaming personal admiration for the singer-actress as she speaks her mind regardless of such attacks. And in Agot’s case, hindi lang siya basta namumuna. She’s backed up by facts borne out of her belief that there should be a room for freedom of expression.
But then, one cannot help but undermine her. Anong kakayahan meron ang isang ‘di hamak na singer-actress wanting to find her way into politics?
Agot’s impressive academic profile will probably speak for itself. Pasensiya na kung ito man ang aming yardstick. Pero ang credentials ni Agot will make her pull through although her performance once elected apparently remains to be seen.
Nito lang ay muling nagparamdam si Agot sa social media. While there are scores who believe that Marcos is a hero, Agot thinks otherwise.
Aniya, hindi maaaring gawing bayani ang isang magnanakaw. Oo nga naman, let history provide the answer to the never-ending debate.
Tantanan na ang usung-usong history revisionism. Hindi lang naman kasi thievery ang inaakusa sa nakalipas na administration, a lot more issues are again being brought to the fore na parang bangkay na muling binubuhay.
Singer-actress lang ba ‘ika n’yo si Agot? Yes, but she’s a singer-actress who does not only know her history na nakabase sa mga libro, kundi isang thinking Filipino. Nag-iisip pero may puso. Umaalma dahil meron naman talagang aalmahan.
Personal naming nais sugalan si Agot. Una, dahil sa kanyang paninindigan na huwag naman sanang bumaluktot, ‘di ba, Ginoong Harry Roque?
Ikalawa, dahil sa nakikita naming malasakit sa mga pasanin ng taumbayan. ‘Di ba, Senate President Tito Sotto?
Ikatlo, dahil kung pagbabatayan namin ang kanyang academic background, pakakainin niya ng alikabok—pati agiw—ang mga bagsak sa communication skills. May hanga factor kasi para sa amin ang isang taong magaling magsalita in intelligent discussions, ‘di ba, Sen. Manny Pacquiao?
The fourth is a combination of all the other factors which makes Agot a not-so-bad choice dahil 12 namang pangalan ang bibilugan sa balota.
Alongside this is the element of promise na baka pangilagan si Agot ng mga luluku-luko sa gobyerno na walang inatupag kundi magkamal ng salapi while seeing most Filipinos down the poverty level.
Now comes JFK as in bigla lang sumagi sa aming isip ang campaign slogan niya addressed to the crooks: Lagot Kay Agot!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.