Mocha Uson 'sagrado' sa kampo ni Duterte, malusutan din kaya ang kaso sa Ombudsman? | Bandera

Mocha Uson ‘sagrado’ sa kampo ni Duterte, malusutan din kaya ang kaso sa Ombudsman?

Ronnie Carrasco III - September 27, 2018 - 12:30 AM


MAY mga onion-skinned pala kahit makapal ang fezlak even without layers of muk-ap?

Nasaling kasi ang damdamin ni PCOO ASec Mocha Uson sa tinuran ni dating Sen. Nene Pimentel na bumubuo ng consultative body kaugnay ng isinusulong na federalism form of government.

Dahil wala raw kasing kaalaman si Mocha, the former solon suggested na bumalik na lang ito sa pagsasayaw. Nasaktan si Mocha sa salitang “lang” as she takes pride in her past profession.

Sadly, Mocha took Pimentel’s statement at face value. Hindi intensiyon na maliitin ng dating mambabatas ang larangan ng pagsasayaw but rather he used it as reference to Mocha’s professional origin bago itinalaga sa puwestong hindi naman karapat-dapat.

Mocha could have taken on any other job, at ‘yun din naman ang gagamiting reference ni Pimentel.

Looking down on entertainers or on the entertainment profession wasn’t the subtext of his remark.

Huwag na ipagpilitan nang paulit-ulit ni Mocha na porke’t ang kapwa niyang blogger na si Drew Olivar ang dapat maputukan sa federalism video. Mocha, from any angle one looks at it, was an accomplice.

Hindi ba’t pinalakpakan pa nga niya ang balahurang cohort niya?

Let’s take a giant leap sa pangungutya naman ni Mocha sa deaf community. Hindi lang kasi ang mga hearing-impaired ang kumondena sa another katsipang ito nila ni Drew. Even persons with other disabilities have condemned their video, kabilang na si Nonoy Zuniga, himself a PWD.

Habang sinusulat namin ito’y naghihintay lang tayo ng magiging desisyon ng Ombudsman where the complaint was lodged. Pralala ng Palasyo, it wouldn’t interfere with its verdict kung sisibakin man nila si Mocha.

Eh, okey naman palang sibakin si Mocha, why couldn’t the Palace exercise its power to do it?

Lumalabas lang tuloy na napakasagrado ni Mocha. Untouchable. Heads of certain officials have rolled, pero ang ulo ni Mocha’y nariyan pa rin?

So kung masisibak si Mocha sa PCOO, how certain are we na hindi siya itatapon lang sa ibang ahensiya? Chances are, she will just be reassigned somewhere. Opisyal pa rin siya ng gobyerno, and the vicious cycle will just go on, and on and on.

May blog siya. ‘Yun pa rin ang magiging outlet niya sa mga katsipan niya. Walang iniwan ‘yon sa isang pelikulang alam mo na ang ending where the element of suspense is purely zero.

Pimentel, in fact, sounded like a concerned father to his lost, wayward daughter. Magiging kahihiyan pang lalo ang ganitong uri ng anak sa kanyang angkan, analogously, it’s the Duterte administration’s Mocha is besmirching.

At ano’ng masama kung sinabi ni Pimentel na “sayaw-sayaw lang siya”? Kung talagang mataas ang tingin at pagpapahalaga mismo ni Mocha sa kanyang dating trabaho, she should not have given it a wrong interpretation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya itatanong namin uli to wrap up this item: nakukuha pa bang magpakabalat-sibuyas ang isang taong hindi lang yata layer ang fez kundi ilang palapag?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending