Female celeb dudera, pati baryang sukli bilang na bilang | Bandera

Female celeb dudera, pati baryang sukli bilang na bilang

Cristy Fermin |September 26,2018
facebook
share this

Female celeb dudera, pati baryang sukli bilang na bilang

Cristy Fermin - September 26, 2018 - 04:44 AM


HINDI na nagtatrabaho ngayon sa isang malaking network ang isang grupo ng mga magkakaibigang namamasukan bilang utility. Kilalang-kilala nila ang ugali at istilo ng mga artistang nakakasama nila sa linya ng trabaho.

May marunong maki-PR, may generous, kung paanong meron ding mga kuripot. Iba-iba ang ugali ng mga artistang matagal nilang nakasalamuha.

Ibinigay nilang halimbawa kung gaano kagaling sa paghawak ng datung ang isang female persona-lity na mahilig magpabili ng kung anu-anong kukutin habang nagtatrabaho siya.

Kuwento ng aming source, “Mahilig siya sa mga junk foods. Kapag nagte-taping siya, kaila-ngang may nakabantay na kukutin sa tabi niya, para raw hindi siya antukin.

“Sa taping, magpapabili siya ng iba-ibang junk foods na paborito niya.

Ipinaaabot niya ang pera sa PA niya. ‘Yung PA niya, e, hindi stay-in sa kanya, nandu’n lang siya kapag may trabaho si ____ (pa-ngalan ng pamosong female personality).

“So, bibili na ang napag-utusan. Pagbalik niya, e, ang female personality ang tumatanggap ng sukli, kung meron man. Depende ‘yun sa resibo.

“Hindi puwedeng bumili lang sa kung saan-saang sari-sari store ang inuutusan niya, kailangang sa grocery, para may resibong dala ang bumili,” unang chika ng aming source.

Kapag iniabot na sa kanya ang resibo ay kulang na lang na magsuot pa siya ng salamin para masipat niyang mabuti kung magkano ang nabili at kung magkano ang sukli.

“Nakakaloka siya! Para siyang hindi artista kung magbilang ng sukli! Ultimo maliliit na sensilyo, e, binibilang niya, makasigurado lang siya na tama ang isinukli sa pinag-utusan niya!

“Ganu’n siya katindi! Okey lang sa mga inuutusan niya kung wala man siyang ibinibigay na tip sa pagbili, huwag lang ganu’n na parang pinagdududahan niya ang mga pinabibili niya.

“Bilangin ba pati ang mga gurami? Bilangin ba ang mga barya-baryang sukli? Grabe ang babaeng ‘yun! Hindi na nga siya generous sa ngiti, dahil palagi siyang nakasima-ngot, hanggang sa mga sukli ba, e, ganu’n pa rin siya hindi ka-generous?

“Naku, gusto na siyang ihulog sa pusali ng tropa ng mga utility, as in, para matuto naman siyang makisama at magpahalaga sa kapwa niya,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kaya hindi na kayo mauupo sa Row 4 n’yan na katabi ang mabahong basurahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending