Piolo kina Inigo at Maris: Basta wag lang silang maglokohan! | Bandera

Piolo kina Inigo at Maris: Basta wag lang silang maglokohan!

Reggee Bonoan |September 26,2018
facebook
share this

Piolo kina Inigo at Maris: Basta wag lang silang maglokohan!

Reggee Bonoan - September 26, 2018 - 04:45 AM


SA edad na 41 ay puwede nang maging Lolo P si Papa Piolo Pascual lalo’t nasa tamang edad na ang anak niyang si Iñigo Pascual, 21.

Sa tanong ng entertainment media kay Papa P kung handa na siyang maging lolo, “E, wala naman akong magagawa, naging papa P nga ako, eh, lolo P pa,” tumatawang sagot ng aktor.

Sa tanong kung boto siya kay Maris Racal na nababalitang girlfriend ngayon ni Iñigo, “Mas magiging happy ako. Mas authentic, mas alam ng tao na hindi lang work. Tinatanong ko yung bata, di sumasagot, e. Marunong. Bahala sila. Kung sila, sila. Malalaki na sila.

“Basta huwag lang silang maglokohan. Kung mahal nila ang isa’t isa, stay in love. Kung may samaan ng loob, talk. Always have an open relationship,” payo pa ng aktor.

Samantala, 10 years na pala si Piolo bilang endorser ng SunPIOLOgy at marami na nga raw silang natulungan dahil sa health and wellness event na ito.

Maaaring sumali Sun Cycle PH na gaganapin sa Nob. 17 sa Bonifacio Global City, Sun Life Resolution Run and Sun vs Stars ng Star Magic sa Enero 26, 2019 sa Camp Emilio Aguinaldo.

Magkakaroon din ng Bike with Sun Life Cycle PH sa Taguig, Makati, Manila at Pasay na pangungunahan nina Piolo at Matteo Guidicelli na parehong Sun Life ambassadors. May Run with Sun Life Resolution Run din na gaganapin pa sa ibang bansa tulad sa Enero 13 (Malaysia); Enero 20 (Indonesia); Enero 27 (Hongkong at Vietnam).

Para sa rehistro ay maaring bumisita sa www.sunpiology.com / www.sunlife.cycle.ph.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending