Kailangang managot ang taong nanloko kay Kris; ipinaubaya na ang kaso sa mga abogado | Bandera

Kailangang managot ang taong nanloko kay Kris; ipinaubaya na ang kaso sa mga abogado

Reggee Bonoan |September 26,2018
facebook
share this

Kailangang managot ang taong nanloko kay Kris; ipinaubaya na ang kaso sa mga abogado

Reggee Bonoan - September 26, 2018 - 04:46 AM

KRIS AQUINO

BALIK  sa pagpo-post sa kanyang Instagram si Kris Aquino. Ibinahagi niya ang litratong magkakasama sina Alex Gonzaga, Direk Fifth Solomon at anak na si Bimby.

Caption ni Kris, “Madalas sabihin na hindi maaasahan ang sincerity ng mga celebrities. BUT @cathygonzaga has been Bimb’s real friend since 2014 when they worked together for the movie Praybeyt Benjamin.

“Last night I had lengthy meetings w/ my 2 lead lawyers & their legal teams- but Bimb had an 8 PM movie date in @smaurapremier to support NAKALIMUTAN KO NANG KALIMUTAN KA. @celestinegonzaga, direk @paulsoriano1017, @severianoelliott, and @cathygonzaga will remain our lifelong, trusted, and treasured friends.

Samantala, dahil balik-posting na ulit ang Queen of Online World and Social Media ibig sabihin, medyo okay na siya sa gitna ng ilang legal problems niya sa KCAP.

Nakakapagkuwento na kasi siya uli sa IG at ito’y sa tulong na rin ng trusted friends at pamilya niya na pinayuhang huwag nang masyadong magpa-stress dahil inaasikaso na ito ng kanyang mga abogado.

May isang buwang mahigit na palang iniinda ni Kris ang panlolokong ginawa sa kanya ng taong pinagkatiwalaan niya nang husto at itinuring na kapamilya. Hindi niya maisip kung bakit ito nagawa sa kanya.

Ending, sobrang na-stress si Kris kaya hindi nawawala ang kanyang sakit kahit na nagbakasyon na sa ibang bansa.

As of this writing ay humihingi ng panalangin si Kris na maayos na ang problema ng KCAP at managot ang taong nanloko sa kanya para bumalik na ang magandang kundisyon ng kalusugan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending