John Rendez bubuhayin ang singing career

September 26,2018
share this

John Rendez bubuhayin ang singing career

September 26,2018
share this


NAGBABALIK recording ang magaling na hip hop at rap artist na si John Rendez.

Huling album na nagawa niya ay noong 2012, ang “Metal Dog: There Can Only Be One” under PolyEast Records. Naging maganda ang resulta ng album niyang ito kung saan na-nominate ito bilang Rap Album at nanalo siya bilang Rap Arist of the Year sa Star Awards for Music noong 2013.

Isang kilalang record company ang magbibigay buhay muli sa kanyang singing career kung saan ginagawa na nga-yon at masusing pinag-aaralan ang kanyang magiging single. Kakaiba ito sa mga nagawa na dati na siguradong marami ang magugulat.

Excited si John dito dahil gustung-gusto niya talaga ang kumanta. Kung magiging maayos ang lahat, malamang ngayong taong din mari-release ang kaniyang bagong kanta.

Ngayon palang ay ramdam na ang kanyang kasiyahan dahil anim na taon din siyang hindi nakapagrecord ng kanta.

Magiging busy ang susunod na taon sa magaling na singer dahil bukod sa pagpo-promote ng kaniyang single ay pinaplano rin ang pagbuo niya ng isang album. Magkakaroon din siya ng series of shows.

Pagdating talaga sa pagkanta ay mahusay si John. Isa sa mga kinilala sa kaniyang mga awitin ay ang “Everybody Sayaw,” na tunog foreign kung saan isa ito sa mga most requested na kanta sa mga radio station nang ito ay ini-release.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending