Ex-wife ni Binoe umuwi ng Pinas para makasama ang apo kay Kylie

September 26,2018
share this

Ex-wife ni Binoe umuwi ng Pinas para makasama ang apo kay Kylie

September 26,2018
share this


NASA Pilipinas pala ngayon ang dating asawang ni Robin Padilla na si Liezl Sycangco.

Ibinalita ito ng kanilang anak na si Kylie Padilla sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kasabay ng kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang ina.

Sa Australia na nakabase si Liezl pero umuwi siya uli sa bansa para makasama ang kanyang apong si Alas Joaquin, ang anak nina Kylie at Aljur Abrenica.

Mensahe ni Kylie sa kanyang mommy, “Happy birthday mother dear. Masaya ako nakakabawi ako sayo… nag papasalamat ako na kasama kita araw araw. Namiss kita. Sobra. I love you.”

Pinusuan naman ng asawa ngayon ni Binoe na si Mariel Padilla ang IG post ng Kapuso actress. Si Kylie ay pangalawa sa apat na anak nina Robin at Liezl, ang tatlo pa nilang mga anak ay sina Queenie, Zhen-Zhen at Ali.

Samantala, muling napapanood si Kylie ngayon sa seryeng Victor Magtanggol ng GMA 7 bilang special guest. Ginagampanan niya uli ang pagiging sang’gre kasama ang iba pang bida noon sa Encantadia, sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez at Gabby Garcia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending