Bukol ni Joshua bakat na bakat sa suot na pantalon | Bandera

Bukol ni Joshua bakat na bakat sa suot na pantalon

Reggee Bonoan |September 24,2018
facebook
share this

Bukol ni Joshua bakat na bakat sa suot na pantalon

Reggee Bonoan - September 24, 2018 - 05:40 AM


ANG daming nagtatanong sa amin kung sino ang stylist nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa teleseryeng Ngayon At Kailanman dahil hindi raw maganda ang mga damit na ipinapasuot sa dalawa.

Nagsimulang punahin ng mga nanonood ng NaK ang isinuot ni Julia sa unang beses nitong makilala ang pamilya nina Joshua at Jameson Blake kung saan isinama siya ng huli at base sa takbo ng kuwento ay pinabihisan sa stylist kuno.

Pero ang ending, hindi naman daw nakabihis si Eva (Julia) dahil mukha pa rin siyang mahirap kaya napansin siya ng lahat kung sino at saan siya nakilala ni Oliver (Jameson).

Ang sumunod daw ay nang dumalo naman sila ni Inno (Joshua) ng party na naka-white dress na above the knee ang tabas na halatang masikip kay Julia. Hindi ba ito napapansin ng stylist o ng taga-production?

Mukhang matalas ang mga mata ng sumusubaybay sa Nga-yon At Kailanman dahil pati ang suot na suit ni Inno ay nagmukha siyang mataba at sa pantalon daw nito ay bakat ang hinaharap nito.

Ang saktong sabi sa amin, “Ano ba ‘yan, formal pants nakabakat? Maiintindihan mo kung naka-jeans, e, formal attire ateng, kaloka ha? Baka naman kasi talagang big si Inno?”

Anyway, kaabang-abang ang kuwento simula ngayong Lunes ng Ngayon At Kailanman dahil mare-reveal na kung sino talaga ang pumatay kay Rodrigo (TJ Trinidad) na ama ng anak ni Rebecca.

At malalaman na rin kung sino ang nag-utos para takutin din ang huli na naging dahilan para mabaril naman si Hernan (Christian Vasquez) dahil sa pagtatanggol sa babaeng kapitbahay.

Napapanood ang Ngayon At Kailanman pagkatapos FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending