Angel hindi na mapapanood sa bagong Darna; kilalang aktres magpapasa ng bato kay Liza | Bandera

Angel hindi na mapapanood sa bagong Darna; kilalang aktres magpapasa ng bato kay Liza

Reggee Bonoan |September 24,2018
facebook
share this

Angel hindi na mapapanood sa bagong Darna; kilalang aktres magpapasa ng bato kay Liza

Reggee Bonoan - September 24, 2018 - 05:40 AM

LIZASOBERANO AT ANGEL LOCSIN

MAS mababa pala ang talent fee ng kilalang aktres-TV host para sa produktong ineendorso nito kumpara sa isa pang female celebrity endorser na kasalukuyang hindi visible ngayon sa showbiz dahil nagpapahinga muna at ine-enjoy pa ang bagong bahay.

Nagtatakang tinanong namin ang may-ari ng beauty products kung bakit mas mahal pa ang talent fee ng aktres na hindi visible ngayon sa telebisyon at pelikula kumpara sa TV host-actress na kaliwa’t kanan ang exposure at mas marami pang followers sa social media.

Ang diretsong sagot sa amin, “Yung sa pangmasa kasi, mura lang ‘yung products kaya mas mababa ang talent fee ni ____ (TV host-actress) maski na visible siya at mas maraming followers kumpara kay ____ (aktres na nagpapahinga) na mas mahal ang products kasi pang high-end.”

Sunod na tanong namin, bakit hindi ‘yung high-end beauty product ang napunta kay TV host-actress dahil mas marami siyang followers at tiyak na tatangkilikin pa rin iyon kahit mas mahal?

Di ba dapat kung sino ‘yung hindi na visible sa telebis-yon at pelikula ay sa kanya ang mas murang produkto? “Kung ano kasi ‘yung ginagamit nila doon ibinase para kunin sila. Dapat kasi naniniwala ka sa produkto para credible.

“Si ____ (hindi visible na aktres) kasi sosyal talaga, impor-ted lahat pala ginagamit niyang beauty products, si ____ (TV host-actress), sosyal lang tingnan pero masang-masa pala at mura lang mga ginagamit niya pati make-up niya local products din,” paliwanag sa amin.

Pero wala pa rin naman daw problema dahil parehong mabenta ang beauty products na ineendorso ng dalawang aktres sa pangunahing department store at drug store.

q q q

Hindi na namin babanggitin kung saan konektado ang taong kausap namin na nadulas sa pagsasabing walang partisipasyon si Angel Locsin sa “Darna” movie ni Liza Soberano.

Nabanggit sa amin na noong tinanggihan ni Angel ang karakter na Darna sa pelikulang sinu-shoot ngayon ni Erik Matti para sa Star Cinema ay may partisipasyon pa rin ang aktres bilang original na gumanap nito sa telebisyon noong 2005 na umere sa GMA 7.

“Wala naman siya sa movie,” ang tsika ng taong kausap namin. Hirit namin, ang akala ng lahat ay siya ang magpapasa ng bato kay Liza para maging Darna.

“Hindi, walang ganu’n. Walang partisipasyon si Angel sa Darna,” sabi sa amin.

Kung ganu’n, sino na ang magpapasa ng bato kay Liza? “Abangan mo, kilalang aktres din at maganda at bagay ding magpasa ng bato kay Liza,” pambibitin sa amin.

Nagtanong din kami kung sino ang gaganap na kontrabida ni Darna, may Valentina ba uli o taong ahas?

“Iba-iba ang kontrabida ni Darna, ibang version na ito, walang Valentina, basta abangan mo,” sabi ulit sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang matagal na naming isinulat ay kasama si Tony Labrusca sa pelikula ni Liza, “Alam ko nga kasama siya, pero hindi pa nagsu-shoot,” sagot sa amin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending