Nadine tinawag na desperada, matakaw sa publicity dahil sa pasabog na bikini photo | Bandera

Nadine tinawag na desperada, matakaw sa publicity dahil sa pasabog na bikini photo

Alex Brosas - September 24, 2018 - 05:42 AM

POOR Nadine Lustre. Wala naman siyang ginawang masama, nag-post lang siya ng bikini photo na kuha sa Macau pero left and right na lait ang i-nabot niya mula sa netizens.

“Walang appeal parang pagod na yung body. Yung photographer d man lang ayusan bago kunan pati posing d maganda. Lol.”

“Cguro para maiba sya need talaga mapag-usapan for the sake of her career to sustain her popularity she must do something different from her contemporaries.”

“Aba eh huminga ka naman bka atakihin ka nyan. ok lng nman na may makita bilbil sa tyan dahil yun ang totoo.”

“Umepal ka na naman Nadine Lustre. Desperada. Wala na ba mas ok na balita? Masyado ka MATAKAW SA PUBLICITY KULANG PA BA ANG MGA ISSUE sayo?”

“Ano yon?!! Katawan ng bata, ito ang mag-iinganyo sa mga child abusers. She is a short person as it is and what we see is only skin and bone, no charm, no beauty, no art senses at all. She is sucking in her breath!!. Ugly!!!!”

“Wala ng ginawa kung hindi magpakita ng katawan niya kailangan talagang magpa sexy siya ng mabuti para hindi siya iwanan ni James Reid.”

‘Yan ang mga hanash against Nadine.

Mabuti na lang at may nagtanggol sa dyowa ni James and said, “Nice pic pati mga ibang artista napacomment kay Nadine. Naappreciate nila. Ingget lng ang basher mo don’t mind them! Kahit ano ibato sayo gawin mo ang gusto mo basta wala kang tinatapakan tao.”

Teka, bakit nga ba ganoon na lang ang galit ng netizens kay Nadine? Parang wala na siyang ginawang mabuti. Krimen na ba ngayon ang mag-post nang naka-bikin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang harsh ng comments against her, eh, hindi naman siya tulad ng mga politikong nagnanakaw or mga politicians na binabago ang history at pinagmumukhang mabuti ang masasama sa gobyerno. Hindi naman siya nagnanakaw sa kaban ng bayan, pero kung laitin siya ay gano’n-gano’n na lang.

Why o why?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending