Aiko wala pang balak bumalik sa politika; happy kay Mayor
SIGURADONG makaka-relate si Aiko Melendez sa role na gagampanan niya sa gay melodrama film na “Rainbow Sunset” ng Heaven’s Best Entertainment.
Mayor ang karakter ni Aiko sa pelikula na ididirek ni Joel Lamangan mula sa screenplay ni Eric Ramos, “Yes, very true-to-life because my boyfriend is a mayor. Ha-hahaha! And very excited na rin ako na makatrabaho uli si Direk Joel Lamangan.”
Biro pa ng award-winning actress, hihingi raw siya ng tips sa dyowa niyang si Subic Mayor Jay Khonghun para sa pagganap niya bilang alkalde sa “Rainbow Sunset”.
Pero nang tinanong kung gusto rin ba niyang maging mayor in the near future, tugon ng aktres, “Wala sa nga-yon. Ibibigay ko na lang sa mayor kong boyfriend.” Da-ting konsehal ng Quezon City si Aiko at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong niya sa ilang charity institutions.
Ani Aiko, “Since wala naman ako sa politics ngayon, so… but I’m not closing my doors to politics. But for now, dito muna, trabaho muna sa TV at movies.”
Makakasama rin ni Aiko sa “Rainbow Sunset” sina Sunshine Dizon, Eddie Garcia, Gloria Romero, Tirso Cruz III, Tony Mabeza at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.