Roque tikom ang bibig sa pag-abswelto ng PNP sa isang blogger dahil sa bomb joke

September 23,2018
share this

Roque tikom ang bibig sa pag-abswelto ng PNP sa isang blogger dahil sa bomb joke

September 23,2018
share this

MOCHA USON AT DREW OLIVAR

IPINASA ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Communications Secretary Martin Andanar ang pagkokomento matapos namang iabswelto ng Philippine National Police (PNP) ang blogger na si Drew Olivar sa kanyang bomb joke matapos namang magsagawa pa ng press conference para rito.

“I defer to Sec. Andanar on this,” sabi ni Roque.

Ito’y matapos namang magpatawag ng press conference ang PNP para linisin sa anumang kaso si Olivar matapos siyang mag-sorry.

Matatandaang nag-bomb joke si Olivar sa kasagsagan ng rali ng mga lumahok sa mga protesta para sa paggunita ng martial law noong Biyernes.

Sa ilalim ng batas, isang krimen ang pagba-bomb joke kung saan kinakasuhan ang mga sangkot dito kahit pa nagsorry na ang mga ito at iginiit na nagbibiro lamang sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending