Horoscope September 23, 2018 | Bandera

Horoscope September 23, 2018

Madam Sophia |September 23,2018
facebook
share this

Horoscope September 23, 2018

Madam Sophia - September 23, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Maghandaan ka ng red apple sa panahong nito ng birthday mo. Hatiin mo sa gitna ang nasabing mansanas. Kainin mo ang kalahati habang ang kalahati ay ialay mo sa altar ninyo. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte sa materyal na bagay at sa pag-ibig ay tuloy-tuloy ng mapapasa iyo. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna!” Silver at pink ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Hindi dapat tumunganga! Nakikita ng langit na wala kang ginagawa. Kumilos ka na ngayon. Sa pag-ibig, kung magsasawalang kibo ka na lang, paano ka makaka-score sa minamahal. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26 at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Purple at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa paskong darating magluto ng mga pagkaing pampasko, ang nasabing kalakal ang magpapayaman sa ‘yo. Sa pag-ibig, magpaganda ka lang ng magpaganda, darating sa iyo ng kusa ang maligaya at pang habang buhay na relasyon. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Tetra-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Panahon na upang isakatuparan ang mga binabalak. Isang dating kakilala ang darating upang bigyan ka ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig muling mabubuo ang isang nausyaming pagmamaahalan. Mapalad ang 5, 7, 14, 22, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om.” Beige at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Huwag panghihinaan ng loob! Upang magkapera ng malaking halaga, sugod lang ng sugod ang dapat. Sa pag-ibig, wag matakot sa kasuyo, imbis na ikaw ang sumunod, siya ang pasunurin mo sa iyong mga kagustuhan. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Gray at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Upang mapasunod sa iyong kagustuhan ang iyong kausap, tumayo ng tuwid habang tinititigan ang pagitan ng kanyang dalawang mata. Ibulong sa iyong sarili: “Mapapasunod kita!” Kapag nagawa mo iyan, mas madali kang magtatagumpay sa negosyo at pag-ibig. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mayabeja-Kubera-Om.” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Upang hindi ka mautangan, kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit may isang naka-blue, na magbibigay sa iyo ng kakaibang sarap at ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa blue ang silver ay buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Panahon ngayon ng Libra, kaya lalong pang gaganda ang iyong kapalaran. Magsuot lagi ng kulay na pula, upang lalo pang uminit ang romansa at dumating ang mas marami pang pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Upang hindi mahirapang magdesisyon, laging pairalin ang praktikalidad. Sa pag-ibig itigil na ang pagiging sobrang emosyonal. Sa pinansyal, hanggat palagi kang nagiging praktikal lalo kang yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” White at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag umasa sa ibang tao! Panahon na upang mag-iisip ng sariling pagkakakitaan. Sa pag-ibig, iwasang magpauto sa isang kulot ang buhok at maitim ang kulay ng balat. Mapalad ang 6, 17, 26, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dheemari-Om.” Green at peach ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag daanin sa init ng ulo ang anomang problema! Panatiliin ang pagiging mahinahon para dumami ang pera. Sa pag-ibig, kung away niya wag mong pilitin. Bumawi ka na lang sa ibang araw. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Kung paanong niloloko mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ikaw naman ang lolokohin ng tadhana. Sa pag-ibig, maging tapat sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 8, 19, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at olive green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Nakikita ng langit ang iyong ginagawa. Magpatuloy ka lang, nakahanda na ang gantimpala sa iyo. Isang maunlad na pamumuhay at masarap na relasyon, hatid ng isang napaka maunawain at mabait na nilalang. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending