Rochelle pinaglilihian si Arthur: Ayoko siyang makita! | Bandera

Rochelle pinaglilihian si Arthur: Ayoko siyang makita!

|September 22,2018
facebook
share this

Rochelle pinaglilihian si Arthur: Ayoko siyang makita!

- September 22, 2018 - 10:04 AM


KUNG napapraning noon ang Onanay star na si Rochelle Pangilinan kapag naiisip niya ang pagbubuntis dahil takot siyang ma-experience ang “morning sickness”, iba na raw ngayon.

“Kahit anong sakit, kung anuman ang pagdadaanan ko para mailabas ko lang itong baby na ito, parang gagawin ko. Ganu’n na ako, parang magic na nawala bigla ‘yung takot ko,” sey Rochelle sa panayam ng GMA.

Kampante na raw siya ngayon dahil sa pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya ng asawang si Arthur Solinap, “Dahil sa morning sickness ko, hindi ko na kayang magluto at gumuwa ng kung anu-ano, siya lahat. Inaral niyang maglaba, magluto kung ano ‘yung kailangan iluto, siya ang nag-aalaga sa mga aso, siya na lahat na dati ako ‘yung gumagawa.”

Pero mukhang si Arthur nga ang pinaglilihian niya ngayon, “Ayoko kasi talaga siyang makita kahit alam kong nahe-hurt siya. Naiinis ako ‘pag hawak niya ako pero kapag hindi ko nakikita ‘yung noo niya at ‘yung mata niya, ako naman ang naghahanap sa kanya.”

Samantala, tuloy pa rin naman ang pagte-taping ni Rochelle para sa GMA Telebabad series na Onanay bilang BFF ni Onay (Jo Berry). At kapag kailangan niya munang magpahinga para sa nalalapit niyang panganganak, magpapaalam muna siya pansamantala sa Onanay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending