Palasyo hindi tutulan sakaling sibakin ng Ombudsman si Mocha Uson
TAHASANG sinabi ng Palasyo na hindi nito tutulan sakaling sibakin ng Office of the Ombudsman si Communications Secretary Mocha Uson matapos namang sampahan ng kaso kaugnay ng panibagong kontrobersyal na video.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa desisyon na ng Ombudsman kung ipag-utos ang pagsibak kay Uson.
“Well, let’s wait for the decision of the Ombudsman dahil mayroon na namang ganiyang complaint. The Ombudsman can already order the dismissal of anyone in government, because it is both an administrative and a criminal case. Igagalang po ng Palasyo ang proseso – kung sinabi ng Ombudsman, sibakin hindi po natin tututulan iyan,” sabi ni Roque.
Sinampahan ng Philippine Federation of the Deaf si Uson at kasama nitong blogger na si Drew Olivar ng paglabag sa Magna Carta for Persons With Disability, Code of Conduct for Government Officials, at Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sent from my iPhoneDisclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.