Mocha kinasuhan sa Ombudsman matapos ang panibagong kontrobersyal na video
SINAMPAHAN si Communications Assistant Secretary Mocha Uson ng reklamo sa Office of the Ombudsman ng isang grupo ng mga taong may problema sa pandinig kaugnay ng kontrobersyal na sign language video nito.
Sinabi ni Philippine Federation of the Deaf President Carolyn Dagani hindi nito tinatanggap ang paghingi ng paumanhin ni Uson at kasama nitong blogger na si Drew Olivar.
Ang dalawa ay nahaharap sa paglabag sa Magna Carta for Persons With Disability, Code of Conduct for Government Officials, at Cybercrime Prevention Act of 2012.
“There’s so many deaf people that we have asked, and we’d like to tell you that they don’t accept the apology,” ani Dagani. “Disability cuts across different dimensions … and they looked down on us, this is hurtful for us that we will never forget.”
Sinabi ni Dagani na nagsilbing hindi magandang halimbawa ang dalawa sa kanilang inasal na mistulang panlalait sa mga taong hindi nakakarinig.
“Napakaraming deaf dito sa atin na pinagkakatuwaan, they’re ridiculed… So lagi kaming niloloko, that has an effect on our self-esteem talaga. We get stuck, there are so many communication barriers, they look down on us, so many times, multiple discrimination iyan kasi may disability kami pero they look at us na parang wala kaming alam.”
Marami umanong bingi na skilled taliwas sa paniwala ng iba… “people really put us down so talagang nakakagalit talaga. It really affects our esteem.”
Kinuhanan ng video ni Uson ang ginawang pag-sign language ni Olivar na patungkol sa isinusulong na pederaslimo ng Duterte government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.