Davao walang hurisdiksyon sa libel—Trillanes
IGINIIT ng abogado ni Sen. Antonio Trillanes IV na walang hurisdiksyon ang piskalya ng Davao City sa kasong libeli na isinampa sa mambabatas ni dating Davao City Mayor Paolo Duterte.
Sa panayam, sinabi Atty. Reynaldo Robles na kanilang kinukuwestiyon ang hurisdisyon ng libel case ng senador.
Aniya, sa Cebu City naganap ang alegasyon ng senador at maging ang mga testigo ay mula sa Cebu.
Giit ni Robles, kahit law students ay “alam na ang venue sa criminal cases ay jurisdictional.”
Dahil dito ay hihilingin ng kampo ni Trillanes ang pagbasura sa kaso dahil sa isyu ng hurisdiksyon.
Ipinunto pa ng abogado na walang malisya ang mga naging pahayag ni Trillanes sa pagbatikos nito kay Duterte dahil kasama sa mandato ng senador na punahin ang mga mali sa lipunan.
Dagdag ni Robles, naguguluhan ang senador dahil gusto itong papuntahin sa Davao gayong idineklara itong persona non grata roon.
Naniniwala ang abogado na nais lamang ni Duterte na magkaroon ng “homecourt advantage” sa kasong isinampa niya laban kay Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.