Sam Concepcion, Kiana Valenciano hiwalay na: 'No third party, pero...' | Bandera

Sam Concepcion, Kiana Valenciano hiwalay na: ‘No third party, pero…’

Ervin Santiago |September 20,2018
facebook
share this

Sam Concepcion, Kiana Valenciano hiwalay na: ‘No third party, pero…’

Ervin Santiago - September 20, 2018 - 12:20 AM


WALANG third party sa hiwalayang Sam Concepcion at Kiana Valenciano. Ito ang nilinaw ni Sam sa presscon ng bago niyang hugot movie, ang “Para Sa Broken Hearted”.

Kinumpirma ng actor-singer na nag-break na sila ng anak ni Gary Valenciano at nasa proseso na siya ng pagmu-move on, “Yes, oo, difficult, pero we just carry on.”

“But I’m good, happy with work. Siguro, tulad ng sinabi ko, marami pa akong kailangan gawin, so ini-immerse ko ‘yung sarili ko in things that help me grow,” ani Sam.

Okay naman daw sila ngayon ni Kiana, “Well, yeah, meron naman mga times na nagkakausap. We still have the same friends.”

Nang tanungin kung mutual ba ang naging desisyon nilang maghiwalay, tugon ng binata, “Hindi ko alam kung paano sasagutin yung question na yun kasi parang I’m looking for answer myself. Hindi ko mabibigyan ng truth, hindi ko pa alam, e. I’m taking it one day at a time.”

Hindi third party ang rason ng kanilang break-up, “Maraming factors, maraming factors, e. Parang yung ganyang bagay, hindi mo mabibigyan ng specific na, eto kasi ang rason kung bakit hindi nag-work out. Pero ang alam ko lang, things will work out, hopefully for the best.”

Pwede pa ba silang magkabalikan? “Hindi ko alam, hindi ko alam, mahirap. Well, I don’t want to say anything that will ruin or jeopardize or speak about something I can’t speak about.”

Paano na ang relasyon niya ngayon sa pamilya ni Kiana na naging close na rin sa kanya? “Well, I hope na okay naman. Parang wala namang masamang feels towards anything. They’re a beautiful family, very good people and mga kaibigan ko rin. I think yun ang hindi magbabago.”

Swak na swak nga raw sa kanya ang pelikula nilang “Para Sa Broken Hearted” directed by Digo Ricio under VIVA Films na showing na sa mga sinehan sa Oct. 3, “Oo nga, e, totoong-totoo talaga ang kasabihang ‘life imitating art.'”

Makakasama rin ni Sam sa movie sina Marco Gumabao, Shy Carlos, Louise delos Reyes at Yassi Pressman, na may kanya-kanyang hugot din sa kanilang personal lives ngayon, but that’s another story to tell.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending