Glaiza in love, pinaliligaya ng surfing instructor | Bandera

Glaiza in love, pinaliligaya ng surfing instructor

|September 20,2018
facebook
share this

Glaiza in love, pinaliligaya ng surfing instructor

- September 20, 2018 - 12:05 AM


MAY lalaki na palang nagpapaligaya ngayon sa Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Siya si David Rainey, isang Irish surfing instructor na palagi niyang nakakasama, lalo na sa kanyang mga gigs.

“Masaya ako na nakikita niya ‘yung mga pinaggagagawa ko. Minsan tinatanong ko siya na ‘Sigurado ka ba, sasama ka?’ Pero masaya ako na nage-enjoy naman siya, at nage-enjoy din naman ako na kasama siya,” pahayag ni Glaiza sa panayam ng GMA.

So, ano na ang status nila ni David? “Tingnan pa rin natin kasi wala pa rin kaming final na. Basta ngayon bumibisita siya, nagbabakasyon, at nage-enjoy.”

Itsinika rin ng dalaga na baka raw makasama niya si David sa pagpunta niya sa London kung saan siya mag-aaral.

“May mga sisters siya doon, so I think plano niya mag-stay doon for a while with his sisters. So, ayun, baka mag-hangout kami. At tulungan niya rin ako sa ibang schools,” chika pa ni Glaiza.

In fairness, matagal na ring walang lovelife si Glaiza kaya siguradong excited siyang mag-explore ng mga bagay-bagay na ginagawa ng magdyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending