Si Glaiza de Castro pinakamasarap maging kaibigan

Si Glaiza pinakamasarap maging kaibigan, pinaka-rockstar na ninang

Ervin Santiago |January 22,2024
facebook
share this

Si Glaiza pinakamasarap maging kaibigan, pinaka-rockstar na ninang

Ervin Santiago - January 22, 2024 - 10:51 AM

Si Glaiza pinakamasarap maging kaibigan, pinaka-rockstar na ninang

Glaiza De Castro, Angelica Panganiban

“PINAKAMASARAP” na kaibigan ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro para sa BFF niyang si Angelica Panganiban.

Napakabongga ng birthday greeting ni Angelica kay Glaiza na nag-celebrate ng kanyang ika-36 kaarawan kahapon, January 21.

Nag-post ang celebrity mom ng black and white photo nila ni Glaiza sa Instagram kalakip ang papuri sa mga katangian ng kaibigang aktres.

“Si glaiza, pinakamasarap maging kaibigan, pinaka game sa puyatan, kahit anong oras, pupuntahan ka niya. Aangkas siya sa motor ng masahista makarating lang sayo.

“Si glaiza ang pinaka masarap kasama sa sound trip, bibiritin niya mga kanta ni dua lipa ng ganun ganu’n na lang,” simulang pagbabahagi ni Angelica.

Baka Bet Mo: Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Pagpapatuloy pa niya, “Si glaiza pinaka masarap kasama sa byahe, mawawala maleta niya pero chill lang siya, bibili na lang kami ng panty sa talipapa ng bhutan, lalabhan at isasampay namin mga bagong panty niya.

“Si glaiza ang pinaka rockstar na ninang ni bean, bubuhatin niya si bean para makakain ako.

“Si glaiza ang pinaka matagal ko ng kaibigan. Hanep na, solid pa. Hippie birthday sayo amigah!” mensahe pa ni Angge sa kanyang BFF.

Hirit pa niya sa huling bahagi ng kanyang IG post, “Kahit may bata na ko ngayon, ikaw pa rin ang number 1 bataah sa puso ko. fly high baard!”

Sinagot naman ni Glaiza ang birthday message sa kanya ni Angelica, “Wahahahaha yung panty talaga eh. salamat amigah!

“Excited ako sa next chapter ng adventures natin bilang mga mature na tao (huwawwwww) labyu! Kitakits sa mata @iamangelicap!” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kay Glaiza sa comments section ng IG post ni Angelica. Narito ang ilan sa mga nabasa namin.

“Hysss kinabahan ako malala gagi. happy birthday po bakit kasi FLY HIGH? Mabait pala talaga to si Glaiza. nung ininterview si Kylie kung sino pinaka mabait na celebrity si Glaiza ang sagot niya.”

“As a momshie, you had me at ‘buhuhatin niya si bean para makakain ako.'”

“Ganda ng message. bihira yung ganyan ka appreciative na friend. happy birthday.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya si glaiza ang artista na pinaka idol ko since college, at palagi kong ginagaya ang buhok nya.”

“I love this friendship talaga, super solid, mas solid pa sa bato! i love you two! HABADUUUU MISS GLAIZA!!!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending