Mocha kapit-tuko sa pwesto, sumbong ng madlang pipol kay Digong wa epek

By Cristy Fermin September 18,2018
share this

Mocha kapit-tuko sa pwesto, sumbong ng madlang pipol kay Digong wa epek

By Cristy Fermin September 18,2018
share this


HANGGANG sa pagngingitngit na lang ang magagawa ng ating mga kababayan sa mga pinaggagagawa ni Asec Mocha Uson. Kahit ano pa ang kanilang sabihin ay matindi talaga ang kapit ni Asec Mocha sa sinapupunan ng gobyernong ito.

Kahit anong pangangalampag ang gawin ng mga nakakabasa sa mga posts niya at nakakapanood sa kanyang mga video ay para lang namang sumisigaw ang mga ito nang walang nakikinig.

Kinakampihan pa rin si Asec Mocha ng Pangulong Rodrigo Duterte, siya pa ang lumalabas na tama, samantalang kitang-kita na nga kung gaano kawalang respeto ang kanyang mga ginagawa.

Tuloy ay lumolobo sa laki ang ulo ng dating sexy dancer, kahit ano nga naman ang gawin niya ay napakatibay ng kanyang sinasandalan, kaya balewala lang ang mga sigaw ng ating mga kababayan kontra sa babaeng ito.

Napakaraming nagpapababa ngayon kay Asec Mocha Uson sa kanyang posisyon sa PCOO, hindi raw kailangan ng pamahalaang ito ang isang abusado at bastos na tauhan, pero mukhang hanggang sigaw lang din ang kanilang panawagan.

Sayang na sayang nga naman ang binabayaran nating buwis na ipinangsusuweldo sa mga taga-gobyerno na tulad ni Asec Mocha Uson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending