Akting ng kilalang komedyante nakakairita na, sobrang OA | Bandera

Akting ng kilalang komedyante nakakairita na, sobrang OA

Reggee Bonoan |September 17,2018
facebook
share this

Akting ng kilalang komedyante nakakairita na, sobrang OA

Reggee Bonoan - September 17, 2018 - 12:20 AM


“HINDI na siya (komedyanteng aktor) nakakatawa, nakakairita na! Sobrang OA na kung umarte!”

Ito ang reklamo sa amin ng isang source na nakakapanood sa isang programang kasama ang kilalang comedian. Dugtong pa niya, “Simpleng eksena big scene kaagad para sa kanya.”

Ito rin ang napansin ng mga katoto na simula nang napanood nila ang komedyanteng aktor ay hindi na nabago ang acting – laging OA. Sabi namin baka ganu’n talaga ang karakter niya.

“Lahat ng show ganu’n? Hindi man lang nag-level up?” katwiran sa amin sabay sabi pang, “Di ba nakakasawa? Walang bago off and on cam?”

Hirit namin, maraming projects ang komedyante at sa katunayan ay paborito siya ng mga nakakatrabaho niya dahil magaling daw makisama.

“Iba naman ‘yung pakikisama at ‘yung mga ginagampanan niyang role, hindi doon nakadepende. So, ibig sabihin kaya marami siyang projects kasi idinadaan sa pakikisama? Hindi dahil sa talent niya,” diin ng mataray na katoto.

Naku, marami kaming kilalang ganyan, laging may show dahil magaling sumipsip sa mga bossing, kahit hindi kagalingang umarte.

I’m sure bossing Ervin knows mo kung sino itong magaling sumipsip kaya maraming proejcts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending