Kilalang aktres napakayaman sa karanasan; natikman lahat ng klase ng relasyon
NAPAKAYAMAN pala ng isang pamosong female personality sa usapin ng karanasan sa pakikipagrelasyon. Lahat ng klase ng emosyon ay naranasan na niya.
Lahat-lahat ay napagdaanan ng magandang aktres, bata pa lang siya ay nakipagrelasyon na siya sa isang sikat na aktor nu’ng kapanahunan nito, nag-shooting lang sa kanilang probinsiya ang lalaking personalidad nang mapansin siya nito mula sa mga miron na nanonood ng shooting.
Kuwento ng isang source, “Walang nangyaring ligawan, sumama siya agad sa male personality sa Manila, ginawa na siyang artista. Napakaganda naman kasi niya talaga, kabog niya ang lahat ng mga ka-contemporary niya nu’n!
“Tapos, may nakilala naman siyang male personality na tutupad ng pangarap niyang sumikat, marami siyang ginawang projects dahil may sinasabi ang male personality sa production.
“Hanggang sa mapansin na siya ng isang malaking production na tunay na nagbigay sa kanya ng launching movie niya. Sumikat talaga siya and the rest is history,” mahabang kuwento ng naturang impormante.
Kung karanasan sa pakikipagrelasyon ang pag-uusapan ay puwedeng magbigay ng seminar ang female personality na ito. Wala kasi siyang hindi natikman. Sarap ng pakikipagmahalan, sakit kapag nabibigo, pero hindi pa rin siya humihinto sa pagsunod sa itinitibok ng kanyang puso.
“Ibang klase rin kasing magmahal ang babaeng ‘yun! Lahat-lahat, e, kaya niyang ibigay sa guy. Kahit wala nang matira sa kanya, go pa rin siya nang go! Bigay-todo siya kung magmahal.
“’Yun tuloy ang nagiging dahilan kung bakit siya palaging nasasaktan sa pakikipagrelasyon. Masyado niyang ibinibigay ang lahat-lahat, sinusuob niya ng pagmamahal ang karelasyon niya, kaya spoiled ang lalaki.
“Ang ending, naiiwan siyang wasak ang puso, ipinagpapalit siya sa iba, kesehodang perfect na nga ang beauty niya kung tutuusin. Napakaganda pa rin niya hanggang ngayon kahit pa lumaki na ang katawan niya.
“Nagbago man ang hubog ng katawan niya, e, wala pa ring pagbabago ang mukha niya. Beautiful pa rin siya, kitang-kita pa rin ‘yun, lovely pa rin siya. As in, loveliness is next to chuva tienes,” pagtatapos ng aming source.
Hihirit pa ba kayo ng clue kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.