Erik 15 taon na sa showbiz pero di pinagbago ng panahon | Bandera

Erik 15 taon na sa showbiz pero di pinagbago ng panahon

Cristy Fermin - September 15, 2018 - 12:30 AM


NGAYON pa lang ay nakalaan na ang petsang September 22 para sa amin. Kasama ang mga anak-anakan naming nagtatrabaho sa News 5 ay manonood kami ng 15th anniversary concert ni Erik Santos sa MOA Arena.

Wala kaming pinalalampas na concert ng magaling na singer, pakiramdam kasi nami’y sulit na sulit ang aming oras sa panonood sa kanya, wala kang pagsisisihan dahil ginagawa niyang makabuluhan ang effort at panahon mo sa pagsuporta sa kanya.

Lalo na ngayon, labinglimang taon na siya sa mundo ng musika mula nang mag-champion siya sa Star In A Million, siguradong maganda ang kuwento ng kanyang “My Greatest Moments” concert sa MOA.

Labinglimang guests din ang kanyang makakasama, mga performers na may kuneksiyon sa kanyang career, ngayon pa lang ay gusto na naming hilahin ang mga araw para September 22 na.

Nu’ng Huwebes nang hapon ay naging panauhin namin sa “Cristy Ferminute” si Erik Santos at ang kanyang producer na si Tita Lily Chua. Ikatlong concert na ngayon ito ni Erik na ang Lucky & Koi Productions ang nagpo-produce.

Sinserong pahayag ni Tita Lily Chua, “Para kaming pamilya. Mula nu’ng kunin namin si Erik sa first production namin, talagang minahal na namin siya.

“Wala kasing problema kapag si Erik ang main artist, mahal niya ang trabaho niya, very professional siya. Magaan siyang katrabaho.

“Saka mapupuri mo siya bilang mabuting anak at kapatid, sobra ang paggalang at pagmamahal niya sa mga magulang niya,” nagmamalaking sabi ni Tita Lily Chua.

Kita-kita po tayo sa MOA Arena sa September 22, alas otso nang gabi, para makisaya sa 15th anniversary ng hindi pinagbabago ng kasikatan na si Erik Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending