Kim Domingo nagpapatayo na ng dream house, sariling pera raw ang ginagastos
NAGPAPAGAWA na ng sariling bahay ang Kapuso actress na si Kim Domingo.
Yes, na-achieve na ng seksing aktres ang dream na makapagpagawa ng sariling bahay mula nang sumikat siya sa GMA, huh!
Sa pahayag kay Kim ng 24 Oras, sinabi niyang gusto niyang maging maaliwalas ang pinatatayong bahay. Kaya naman kulay white ito gaya niya na flawless ang kaputian.
Ang type pang ipagawa ni Kim sa bahay ay ang pagkakaroon nito ng walk in closet para lagayan ng kanyang damit at sapatos.
Hayan, sariling sikap ni Kim ang pagpapatayo ng bahay galing sa pagtatrabaho nang maayos! Baka kung anu-ano na naman ang isipin ninyo kung saan galing ang perang ginastos niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.