Team Pilipinas roster kontra Iran kasado na | Bandera

Team Pilipinas roster kontra Iran kasado na

Angelito Oredo - September 12, 2018 - 10:25 PM

INIHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang bubuo sa 12-kataong lineup ng Team Pilipinas sa isinumite nito na listahan sa International Basketball Federation (FIBA) na siyang nakatakdang sumagupa sa Iran ngayong gabi sa pagsisimula ng second round ng FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers.

Ang 12-man lineup ay binubuo nina Raymond Almazan, Beau Michael Vincent Belga, Alexander Cabagnot Jr., Paul John Lee Dalistan, John Paul Erram, Marcio Lassiter, Gabriel Daniel Norwood, Ian Paul Sangalang, Allein Maliksi, Pauliasi Taulava at Earl Scottie Thompson habang nakalista bilang naturalized player si Christian Karl Standhardinger.

Hindi nakasama sa 12-man roster sina Greg Slaughter, na may iniinda na ankle injury, si Japeth Aguilar, na isisilbi ang isang laro nitong suspensiyon kasama si Matthew Wright, at Stanley Pringle na hindi makakalaro dahil nakasaad sa utos ng FIBA na tanging isa lamang na naturalized player ang papayagang makalaro.

Una nang pinayagan ng FIBA na makalaro bilang lokal na manlalaro si Slaughter subalit hindi isinama ni national coach Yeng Guiao dahil sa kanyang injury.

Bitbit ng Pilipinas ang kabuuang 4-2 panalo-talong kartada matapos ang unang tatlong window sa pagsagupa nito sa Iran na hawak ang kabuuang 5-1 record patungo sa ikaapat na window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sasagupain ng Team Pilipinas ang Iran ngayong alas-8:30 ng gabi (PH time) sa Azady Gym sa Tehran, Iran.

Samantala, hindi naman nawawalan ng pag-asa ang SBP na makakapaglaro si Pringle bilang local player ng koponan.

Matapos makita ang mahusay na paglalaro ng 6-foot NorthPort Batang Pier guard sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia, sinabi ni SBP president Al Panlilio kamakailan na patuloy pa rin nitong hahabulin ang eligibility ni Pringle sa FIBA para payagan ito na makapaglaro bilang isang Filipino player sa mga international event sa hinaharap.

“We’re trying to see whether we can come up with documentation [for that],” sabi ni Panlilio.
“Right now, as it stands, he’s a naturalized player. But we’re working hard and we hope that we can change that.”

Maaari lamang makapaglaro si Pringle sa Philippine national men’s basketball team sa mga torneong hinahawakan ng FIBA bilang isang naturalized player dahil na rin sa mahigpit na kautusan nito na kinakailangan na ang isang manlalaro na may dual citizenship na makakuha ng passport bago ito tumuntong sa edad na 16-anyos para makapaglaro sa bansa na kanilang nais irepresenta.

Hanggat hindi nakakakuha ang SBP ng dokumento na nagpapatunay na si Pringle ay may Philippine passport bago maging 16-anyos hindi ito pwedeng maglaro bilang isang local player.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending