Joshua Garcia bitbit ang pressure sa seryeng Ngayon At Kailanman
GOING 4th week na ang Ngayon At Kailanman na nangunguna pa rin sa ratings game kumpara sa katapat nitong programa.
Tinanong kami ng taga-Dos kung anong masasabi namin sa takbo ng kuwento ng NAK sabi namin, so far ay maganda naman, maayos at mabilis ang pacing, hindi naman kaiwan-iwan pa.
Natawa ang nagtanong sa amin kasi ito rin pala ang narinig niya sa iba pang pinagtanungan niya.
“Gasgas na ‘yung kuwento, pero ang aabangan mo ay kung paano maja-justify ni Joshua Garcia bilang Inno na batang big boss sa kumpanya ng pamilya nila, ‘yung pressure nasa kanya lahat.
“‘Yung character niyang masungit at kung anu-ano pa, nagampanan na ‘yan dati pa, pero ang aabangan mo ay paano siya mapapalambot ni Eva (Julia Barretto) tapos heto pa si Jameson Blake na inaalaska siya. “Plus the parents (Christian Vasquez at Alice Dixson) na hiwalay na pero mukhang magbabalikan para magtulong dahil nalaman na nila kung sino talaga si Iza Calzado. Baka paghigantihan sila, you know?” kuwento sa amin ng taga-production.
Aliw ha, ikinuwento ang buod ng Tuesday episode ng Ngayon At Kailanman.
Oo nga kaabang-abang ang kuwento ng JoshLia teleserye dahil chill lang panoorin, hindi ka magpa-palpitate dahil puro sigawan ang maririnig mo sa buong cast, hindi ka mabubuwisit dahil ginagawang engot ang mga karakter at hindi ini-stretch, kasi bago pa naman.
May ibang teleserye kasi na minsan napapamura ka dahil ang tanga-tanga ng karakter na siyempre utos ng direktor, o kaya nakakairita kasi halatang hinahabaan at paulit-ulit lang na ginagawa.
‘Yung dialogue parang naliligaw na hindi alam kung saan nanggagaling o masasabing wrong timing ang adlib pero pumasa pa rin dahil siguro naghahabol na sa oras?
Anyway, sana mapanatili ng Ngayon At Kailanman ang takbo ng kuwento at galawan ng characters para hindi sila bitawan ng manonood.
At higit sa lahat, ‘yung mga props na ginagamit sana hindi palpak para hindi magaya sa ibang programa na nagba-viral pa dahil hindi napansin ng production.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.