‘Fertility’ check-up ni Ice tagumpay; Liza super excited nang mabuntis
NAG-UPDATE si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino sa status ng check-up ng partner niyang si Ice Seguerra. Nakausap namin siya sa presscon ng “Alpha, The Right To Kill” directed by Brillante Mendoza.
Positive raw ang result ng “fertility” check-up ni Ice at nakatakdang simulan ang procedure sa November. Kapag nakuha na ang semilya ni Ice at saka raw ito itatago.
“Itatago talaga? Ha-haha! Oo, itatago, tapos ipi-freeze,” bungad ni Chair Liza.
May mga facility daw sa bansa ang keri na para mag-freeze ng egg ni Ice. Then, we asked her kung may nakakita na ba sila ng ima-match sa egg ni Ice.
“Maghahanap pa lang. Kasi pagdating naman doon, kailangang malaman ‘yung availability ko for ano, to carry the child. But at least, ‘yun nga, naka-save na ‘yung kay Ice,” aniya.
Kaya doon lang daw muna ‘yun habang hinihintay na ‘yung mga susunod pa na hakbang for delivering the baby. Kapag maluwag-luwag na ang schedule ni Liza, tuluy-tuloy na raw ‘yun. Gusto raw talaga niyang hanapan ng lugar sa schedule niya ang pagdadalang-tao.
“Kasi syempre, I wanna make sure na, we do it right. Kasiang mahal niya. So, kahit paano mabalanse ko talaga ‘yung oras,” sabi pa ni Chair Liza.
Join si Chair Liza kina Direk Brillante at bida ng movie na si Allen Dizon sa San Sebastian International Film Festival sa Spain next week.
In competition din ang movie nina Allen and Direk Dante doon na magaganap simula Sept. 21-29. Makakalaban nila ang mga pelikula from other countries.
Samantala, abala rin si Chair Liza para sa project ng FDCP with the Department of Tourism para sa kanilang “We Are Intramuros Film Challenge.” May updated mechanics kaming natanggap from her office para ma-qualify sa film challenge for the students.
Siyempre, kailangang Pinoy 16 years old and above. Must be a student of an educational institution in the Metro Manila area pati na ang iba pang kasama sa team.
Kailangan ang entries ay completed PDF Document of the Entry Form: Concept paper with synopsis; scanned copy of current school ID and registration form. If applicable, any government issued ID; proponent may submit a maximum of two (2) entries but only one (1) will be selected.
Lahat ng entries dapat original at kailangang i-submit online.
Ang Best Film Award ay tatanggap ng P20,000 cash prize; Jury’s Choice Award with P15,000 cash prize; People’s Choice Award with P10,000 cash prize (most viral video).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.