Alden: Ang sarap sanang maging Gary V!

September 10,2018
share this

Alden: Ang sarap sanang maging Gary V!

September 10,2018
share this

ALDEN RICHARDS

PARA kay Alden Richards, ang pinaka-petmalu lodi sa larangan ng concert scene at pagpe-perform ay si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

“Ang sarap po sanang maging Gary V,” ang sagot ng Pambansang Bae nang matanong kung sino sa mga local male singers ang kanyang iniidolo.

“Kasi, all-out performer po si Sir Gary. With his age now, yung performance po niya is still unparalleled, wala pa rin pong makapantay,” paliwanag ng Kapuso heartthrob.

Inamin ni Alden na kapag daw pinapanood niya ang concert ni Gary, ina-imagine niya na siya ang nagpe-perform sa stage.

“Ganu’n po kasi minsan, kapag nanonood ako ng concert, especially po when a performer is an all-out performer, sings and dances, nai-imagine ko po minsan ang sarili ko, parang ang sarap makagawa ng ganitong show,” paliwanag ng binata.

Kaya naman sa next major concert ni Alden, ang “Adrenaline Rush,” na magaganap sa KIA Theater sa Sept. 21, gagawin daw niya ang lahat para masulit ang ibabayad ng kanyang supporters.

“Like, kapag nanonood ako ng videos ng international stars, sina Justin Timberlake and Justin Bieber, ang sarap pong they’re doing something that they love and yet napaka-grand, napakasarap ng feeling. Sana po ganun ang ma-achieve ko sa concert na ‘to,” aniya pa.

Inamin naman niya na triple ang effort niya ngayon para mas lalong mapaganda ang kanyang concert, “Hindi po siya talaga madali. Kaya hands down po talaga ako dun sa performers that do that flawlessly. Kasi, mahirap po na yung body movement mo is not aligned with singing, nag-iiba po yung tono.”

“Yun po yung challenge, most especially po sa akin, on how I will deliver po during those performances. To be a performer, hindi naman po kailangang sobrang galing kang singer, hindi kailangang sobrang galing kang dancer. But when you perform, nasa puso mo ang gusto mong mapaligaya ang audience,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending