One-on-one with country’s youngest Woman Fide Master | Bandera

One-on-one with country’s youngest Woman Fide Master

Frederick Nasiad - September 09, 2018 - 09:16 PM

ANTONELLA BERTHE RACASA

TULAD ng karamihang bata, mahilig din siyang maglaro. Tulad ng isang mabuting anak, magalang siya sa kapwa at masipag mag-aral. Pero hindi siya katulad ng karaniwang bata dahil siya ay isang chess champion at ilang ulit nang ibinandera ang ating bandila sa mga international competition kabilang ang gintong medalya sa standard girls under-12 division ng ASEAN+ Age Group Chess Championships na ginanap nitong Hunyo sa Davao City. Nakapanayam siya ng BANDERA at ito ang kuwento ni Antonella Berthe Racasa na sa edad na 11 ay kinilala bilang pinakabatang Woman Fide Master (WFM) ng bansa.

Noong nagsisimula ka pa lang matuto mag-chess, naisip mo ba na balang araw maging national o FIDE master ka?
From the start po nung matuto akong mag-chess ay Grand Master title na po talaga ang tinatarget namin kaya obligado po na madaanan ko ang Woman Fide Master title, Woman International Master title and finally ay ‘yung Woman Grand Master title.

Sino-sino ang mga coaches mo sa chess? Gaano ka kadalas mag-train?
Si Daddy Robert po ang coach/mentor ko primarily. Pero gina-guide din po ako nina National Master Efren Bagamasbad at National Master Rudy Ibañez. Everyday po ay 2-3 hours ay nagtre-training po ako.

Alam kong lahat ng seryosong chess player gustong makamit ang Grandmaster title. Ikaw, sa tingin mo kailan mo maaabot ang pangarap na iyon?
Pangarap ko po na maging youngest Woman Grand Master in the World kaya in the next 2-3 years po ay pipilitin naming masungkit ‘yung titulo.

Ano sa tingin mo ang toughest challenge o biggest hurdle pa makuha mo ang GM title?
Ang pinaka-toughest challenge po namin ay ‘yung laki ng gastos kapag nagko-compete abroad. Mula po sa registration fees, hotel accommodation, air tickets at miscellaneous expenses po ay talagang very challenging.

Sa lahat ng mga nakalaban mo, kanino ka pinaka-na-challenge at pinaka-nahirapan?
So far po ay pinakamabigat kong kalaban sa age bracket ko ay sina Ruelle Canino ng Cagayan de Oro, Daren Dela Cruz ng Dasmariñas, Cavite at Raizza Mae Locmayoan ng Calamba, Laguna.

When did you first compete in chess? Ilang medals at trophy na ang napanalunan mo since then?
July 2016 po ‘yung first ever chess tournament na nasalihan ko. Since then ay nanalo na po ako ng di bababa sa 10 trophies and 50 medals here and abroad.

Anong mga tournaments ang naka-lineup na sasalihan mo?
This November 3-16 po ay sasali kami sa World Cadets Chess Championships in Santiago de Compostela, Spain and last international tournament namin for 2018 ay sa Johor Malaysia International Open Chess Championships.

Paano mo naa-apply ang mga natutunan mo sa chess sa buhay ng isang estudyante?
Nagagamit ko po sa buhay ang mga skills na natutuhan ko sa chess kagaya ng discipline, problem solving, patience, ability to focus and forward thinking.

Aside from chess, anong sport ang hilig mo? Kung wala kang training, ano usually ang ginagawa mo ‘for fun’?
When I’m not playing chess ay naglalaro po ako ng Monopoly. Mahilig din po akong mag-paint, bake ng cakes and pastries. Ang favorite pastime ko po ay swimming.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lastly, may mga tao o grupo ka bang gustong pasalamatan na tumulong sa iyo para maabot mo ang pangarap mo sa chess?
Gusto ko pong pasalamatan ng taos puso sina Mandaluyong City Honorable Mayor Menchie Abalos, Councilor Charisse Abalos-Vargas, Sir Hermie Esguerra of Herma group of companies, Sir Reli De Leon and Rotary Club of Pasig through Sir Rogelio Lim and Dr. Jess Acantillado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending