Racasa nakopo ang girls U-12 division crown, WFM title | Bandera

Racasa nakopo ang girls U-12 division crown, WFM title

Angelito Oredo - June 25, 2018 - 10:03 PM

NAGKAMAYAN sina Antonella Berthe Racasa (kaliwa) at Roilanne Marie Alonzo bago ang kanilang final round match sa standard girls Under-12 category ng ASEAN+ Age Group Chess Championships 2018 noong Linggo sa Royal Mandaya Hotel.

BINIGO ni Antonella Berthe Racasa ang kababayan na si Roilanne Marie Alonzo bago hinintay ang mga kasalo sa liderato na makalasap ng draw o mabigo sa kani-kanilang laban upang kumpletuhin ang pag-ahon mula sa ilalim tungo sa tagumpay sa standard girls Under-12 division sa ASEAN+ Age Group Chess Championships na ginanap Linggo ng gabi sa Royal Mandaya Hotel.

Ang taga-Marikina City na si Racasa, na nagdiwang ng kanyang ika-11 kaarawan noong Hunyo 12, ay nagtala ng kabuuang 6.5 puntos na kalahating puntos ang lamang sa mga Vietnamese na sina Nguyen Hoang Thai Ngoc, Nguyen Thi Mai Lan at Nguyen Phuc Yen Nhi na may 6.0 puntos para makuha ang Woman Fide Master title.

Magkatabla sina Alonzo, Bui Ngoc Phuong Nghi, Nguyen Hoang Tha Ngoc at Nguyen Phuc Yen Nhi na may 5.5 puntos patungo sa ikasiyam at huling round. Tanging si Racasa lamang ang nakahirit ng panalo sa huling round para masolo ang unang puwesto at masungkit ang korona.

Natalo si Bui kay Nguyen Thi Mai Lan habang naghati sa puntos si Nguyen Hoang Tha Ngoc kay Kimberly Colaste gayundin si Nguyen Phuc Yen Nhi sa Pinay na si Franchesca Lagro.

Ang come-from-behind na panalo ni Racasa, na nabigo sa una at ikaapat na round para sa 3.5 puntos, sa huling apat na round kabilang ang upset na panalo sa top seed na si Bui sa ikawalo at penultimate round ang nagbigay dito ng pagkilala sa mga namamahalang opisyal.

“My father taught me to always never give up and always stand up when I fall,” sabi ni Racasa patungkol sa ama nito na si Robert, ang tinaguriang “father of memory sports” sa bansa.

Nagtala rin ng panalo sina International Master Paulo Bersamina at WFM Shania Mendoza sa U20, Dale Bernardo sa U18, Ronald Canino sa Open U16 at Kaye Lalaine Regidor sa girls U10.

Si Bersamina, na two-time Olympiad veteran, ay nakahirit ng tabla kay IM John Marvin Miciano
upang selyuhan ang panalo sa kabuuang 7.5 puntos habang ang Batumi World Chess Olympiad-bound na si Mendoza ay tinalo si Laila Camel Nadera upang tumapos na may 7.5 puntos at mag-uwi ng WIM title at WGM norm.

Si Bernardo, na nakipaghati sa puntos kay Aeron Keife Charles Sinining, ay tabla sa liderato kasama si Far Eastern University standout John Merill Jacutina, na tinalo si Le Nguyen Khoi Nguyen, sa pitong puntos subalit ang una ang nagwagi sa pamamagitan ng win-over-the-other-rule matapos na talunin ang huli sa ikalawang round.

Si Canino, na tumabla rin sa unahan kay Vietnamese FM Pham Phu Vinh at Bui Duc Huy, ay nauwi ang korona at FM title matapos manaig sa tiebreaker.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inuwi ni Regidor ang ginto sa pagbigo kay Mecel Angela Gadut sa huling round para sa 7.0 puntos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending