PH nakalikom ng 19 ginto sa standard chess | Bandera

PH nakalikom ng 19 ginto sa standard chess

Marlon Bernardino - December 02, 2017 - 12:05 AM

              JERLYMae San Diego

NAKOPO ng Team Philippines ang 19 gold medal sa pagtatapos ng standard event Huwebes kung saan mas marami pang medalya ang mapapanalunan sa rapid at blitz event sa pagpapatuloy ngayon ng 18th ASEAN Age Group Chess Championship sa Kuantan, Pahang, Malaysia.

Pinangunahan nina Woman Candidate Master Kylen Joy Mordido, Jerlyn Mae San Diego, Michael Concio Jr. at Daniel Quizon ang listahan ng mga gold medallist na kinabibilangan din nina Al-Basher Buto, Kaye Lalaine Regidor, Mecel Angela Gadut, Ruelle Canino, Venice Vicente, Jeth Romy Morado at Brylle Gever Vinluan.

Ang Team Philippines ay mayroon ding 10 silver at 5 bronze medal.

Si Mordido ay ginapi si Syed Adnan Sharifah Nur Izzat ng Malaysia sa ikawalong round para tumapos na may 7.5 puntos, 2.0 puntos ang kalamangan kina Ho Chen Ee ng Malaysia, WFM Christine Elisabeth ng Indonesia at kababayang si Queenie Mae Samarita.

Kasama nina Mordido at Samarita si Bea Mendoza sa pagtala ng pinagsamang iskor na 18.0 puntos para makopo ang team gold sa girls 16 and under.

Tinalo ni San Diego si Vidhya Mahindran ng Malaysia tungo sa pagtala ng 7.0 puntos sa girls 12 and under matapos ang walong laro, na parehong iskor na naitala ni Laysa Latifah ng Indonesia.

Sina San Diego at Mahindran ay kapwa nagkamit ng gold medal habang nakuha ni Krisen Yochabel Marie Sanchez ang silver medal matapos makalikom ng 5.5 puntos, kaparehas ng naitala ni Samantha Babol Umayan na nagkasya sa bronze medal.

Inuwi rin nina San Diego, Sanchez at Umayan ang gold sa standard team matapos makapag-ipon ng pinagsamang iskor na 18.0 puntos.

Nasikwat naman ni Concio ang titulo ng boys 12 and under sa pagtipon ng kabuuang 7.5 puntos.

Sumegunda si Budhidharma Nayaka ng Indonesia na may 7.0 puntos para sa silver medal. Naiuwi naman nina Mark Jay Bacojo at Gabriel John Umayan ang bronze medal matapos na kapwa nakapaglikom ng tig-6.0 puntos.

Sina Concio, Bacojo at Umayan din ang nagwagi ng ginto sa team event ng boys 12 and under sa natipong iskor na 19.5 puntos.

Hindi naman nagpahuli si Quizon matapos na kunin ang korona ng boys 14 and under sa naipong 6.5 puntos.

Nakasama niya sina Justine Diego Mordido (5.5 pts) at Jave Mareck Peteros (4.5 pts) sa pagkuha ng team gold sa natipong kabuuang 17.0 puntos.

Si Buto ang naging kauna-unahang Pinoy woodpusher na nagkamit ng gold medal. Tumapos si Buto na may kabuuang 7.5 puntos sa  boys 8 and under.

Kasama ni Buto, na  isang grade 2 pupil ng Faith Christian School, na nagwagi rin ng team gold sina Vincent Ryu Dimayugaat Ruslan Pamplona na may tig-5.0 puntos.

Sa girls 8 and under, nakamit nina Kaye Lalaine Regidor, Mecel Angela Gadut at Jirah Floravie Cutiyog ang team gold sa naipong 20.0 puntos.

Sina Regidor at Gadut na may tig-7.0 puntos na naitala ang nagwagi ng gold habang nakamit naman ni Cutiyog ang silver sa natipong 6.0 puntos.

Sa girls 10 and under, nakuha ni Canino ang gold medal sa naipong 7.0 puntos habang nakamit naman nina Daren dela Cruz at Antonella Berthe Racasa ang silver medal sa nalikom na tig-6.5 puntos. Naibulsa rin nina Canino, Dela Cruz at Racasa ang team gold sa pagkamada ng kabuuang 20.0 puntos.

Namayagpag naman si Vicente sa girls 20 and under ng kunin ang korona sa pagtala ng 6.5 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naibulsa naman ni Ynna Sophia Canape ang silver medal sa naipong 6.0 na puntos habang nakuha ni WFM Allaney Jia Doroy ang bronze sa nalikom na 5.5 puntos. Nakuha rin nila ang team gold.

Samantala, nakubra ni Morado, ang national champion ng Shell Active Chess, ang gold medal sa boys 20 and under sa natipong 6.0 puntos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending