May lusot ba sa shoplifting? DEAR Atty. Fe: | Bandera

May lusot ba sa shoplifting? DEAR Atty. Fe:

- July 05, 2013 - 07:00 AM

Magtatanong lang po ako at hihingi ng tulong kung maari po. May tendency po ba na makulong ako dahil po hanggang ngayon hindi pa rin nase-settle ang kaso kong shoplifting. Magpo-four years na po ito.

Kasi po ay hanggang ngayon hindi pa rin po ako nakakabayad sa mall dahil po wala naman kaming pera at hirap po ako makapag-apply ngayon dahil nagkaroon po ako ng TB. Kada hearing naman po umaaatend naman po ako. May iba bang paraan para po maayos na po ang kaso ko? Thanks and god bless. — Chichi, Makati, ..2721

Dear Chichi:
Kung ang inyong hearing po ay tuluy-tuloy at kung kayo naman po ay 100 percent present sa attendance, maaaring ma-didismiss ang inyong kaso. Ang “amicable settlement” po ang tanging paraan upang mabasura ang demanda na shoplifting/theft. – Atty.

Dear Atty.:
Hello po attorney. Ano po ang aming gagawin? Nanalo po kami sa kaso for illegal dismissal. Nag-appeal po sila pero nadismiss. Nag-serve ng alias writ of execution for several times ang sheriff ng NLRC pero ayaw tanggapin ng security guard dahil may instruction ang management.

Ito ay ang foreign company na DYN Corp, Inc., under Balikatan Exercises owned by an ex-US military personnel, dito po sa Zamboanga City (Edwin Andrews Airbase) noon pang 2002-2003. Dahil matigas at malakas sa gobyerno, pinabayaan na kami ng aming abogado. Muchisimas gracias. Vaya con dios. – Dismissed employee, ….3700

Dear Dismissed
employee:
Dahil ito pong kaso ninyo ay “pending,” kayo ay pinapayuhan na makipag-ugnayan muli sa inyong abugado. Hindi kasi kami pinapayagan, bilang mga abugado na mag-comment sa isang pending na kaso. Gayunman, ang suggestion natin ay magpatulong kayo ulit sa sheriff ng NLRC. Tungkol naman sa sinasabi ninyong abogado ninyo na nagpabaya sa inyo, maaari rin kayong sumangguni sa Integrated Bar of the Philippines at doon magreklamo. – Atty.

Dear Atty:
Ang problema ko ay delayed registration po ako. Sa kasalukuyan ay mayroon akong trabaho. October 23, 1962 po ang nakalagay na birthday ko pero sabi nang nakakatanda kong kapatid, October 23, 1958 daw po ako talaga ipinanganak. Ano po kaya ang lalabas sa NSO? Lahat ng dokumento ko kasi ang gamit ko ay ‘yung October 23, 1962. – Mario, Cotabato, … 6177

Dear Mario:
Maaari po kayo magpa-correct ng clerical error ng birth certificate sa Civil Registry kung saan po kayo ipinanganak. Hindi na rito kailangan ng court order. Salamat sa pagtangkilik. – Atty.

Editor: Kayo ba ay may komento o reaksyon, o di kaya ay may nais na isangguni sa Ibandera ang Batas? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending