2 LPA patuloy na magpapaulan sa bansa- Pagasa | Bandera

2 LPA patuloy na magpapaulan sa bansa- Pagasa

Leifbilly Begas |September 07,2018
facebook
share this

2 LPA patuloy na magpapaulan sa bansa- Pagasa

Leifbilly Begas - September 07, 2018 - 01:17 PM

SINABI ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na walang magiging direktang epekto sa bansa ang namumuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Idinagdag ng Pagasa na inaasahang lalabas bukas ng PAR ang low pressure area sa Basco, Batanes.

Itinuturing na itong bagyo ng Japan Meteorological Center. Magkaiba ang pamantayang ginagamit ng Pilipinas at Japan sa pagdedeklara ng bagyo.

Ang LPA ay nasa layong 620 kilometro sa hilagang silangan ng Basco.

Samantala, isa pang LPA ang binabantayan ng PAGASA. Ito ay nasa layong 95 kilometro sa hilagang kanluran ng Calapan City sa Oriental Mindoro.

Pinapalakas ng mga LPA ang Hanging Habagat kaya magiging maulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending