May-December affair nina Cong at Congresswoman

By Den Macaranas September 07,2018
share this

May-December affair nina Cong at Congresswoman

By Den Macaranas September 07,2018
share this

NAPIKON ang isang kongresista makaraan siyang tanungin ng ilang mga kaibigang mambabatas kung totoo ba na girlfriend niya ang kasamahang congresswoman.

Nag-walk out daw sa kwentuhan si Cong na halatang naiirita na sa mga balita na kumakalat dahil sa sinasabing kissing scene sa kanyang mismong tanggapan.

Sinabi ng ating cricket sa Kamara na kalat na ang balita tungkol sa pakikipaghalikan ni Sir sa isang congresswoman na sinasabing hiwalay na sa asawa.

Bata pa ang lady legislator na galing din sa isang kilalang political clan sa Southern Luzon.

May anak na raw si Madam pero napanatili nito ang ganda ng kanyang katawan.

Si Sir naman ay unang sumikat sa kanyang mga kalokohan lalo na noong sila pa ng kanyang dating girlfriend na isang maganda pero may edad na ring aktres.

Mahusay na mambabatas ang ating bida pero hindi mawala sa kanya ang pagiging pilyo bagamat may edad na rin.

Kung tutuusin nga ay parang mag-ama sina Cong at Congresswoman dahil sa agwat ng kanilang mga edad.

Pero tunay na walang pinipili ang pag-ibig kaya at wala na tayong magagawa roon sabi pa ng ating cricket.

Si Cong ay matagal na ring walang asawa makaraang mamatay ang kanyang sikat rin na misis ilang taon na ang nakalilipas.

Hindi rin matatawaran ang pagmamahal niya sa pamilya dahil mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang mga anak at sadyang iniwasan rin niya ang magkaroon ng karelasyon sa mahabang panahon.

Ang congressman na nahuling nakikipagtukaan sa kanyang tanggapan ay si Mr. R…as in Road.

Ang nalilink naman sa kanyang na congresswoman ay si Miss K…as in Karatula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending