Horoscope, September 07, 2018 | Bandera

Horoscope, September 07, 2018

Madam Sophia |September 07,2018
facebook
share this

Horoscope, September 07, 2018

Madam Sophia - September 07, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Higit sa inaasahan ang makakamit! Sa pinansyal, biglang madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyo na patuloy mong hahanap-hanapin habang ikaw ay nag-iisa. Mapalad ang 4, 10, 22, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Orange at green ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Alalahaning hindi pangmatagalan ang saya at nauubos din ang pera. Sa pagse-save higit na mas magiging maligaya ang pamilya. Sa pag-ibig, hangga’t hindi pinapatawad ang kasuyo, hindi magiging maligaya ang pasko. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Upang huwag masayang ang pera, huwag gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Sa negosyong may kaugnayan sa pagkain, mas malaking halaga ng kikitain. Sa pag-ibig, huwag pakialaman ang kasuyo, magsasawa din ‘yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 5, 9, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Konsentrasyon ang dapat! Kapag nag-concentrate sa dalawang bagay lang, pera at seryosong relasyon, uunlad ka na at habambuhay na liligaya. Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.” Gray at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Huwag kang uto-uto! Hindi dapat magtiwala sa mga taong madadaldal, sa mga taong puro pangako na hindi naman tinupad ang kanilang mga pangako. May babala na mararaket ka na naman. Isipin nang 10 beses bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, pagbawalan na ang kasuyo na makipagtransaksyon sa isang Leo. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pag-ibig, maging masaya ka na sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal, simulan na ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa undas – kandila at mga bulaklak. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Gold at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Laging maglagay ng old o antique na silver coin sa iyong bulsa o wallet. Ang talismang ito, ang hahatak ng mas marami pang salapi. Kung reregaluhan ka ng kasuyo mo ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 5, 17, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Bukod sa silver ang blue ay buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Malaki ang maitutulong ng isang kaibigang malaki ang tiyan. Siya ang dapat mong lapitan. Sa pag-ibig, sa isang medyo kayumangging nilalang mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 14, 26, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Huwag umasa sa kapalaran! Kung hindi mag-iisip ng mga bagay na pagkakaperahan, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na isa lang ang kapalaran ng isang taong matipid at masinop sa buhay – ang yumaman. Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodha-Aum-Dhipana.” Green at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kagaya ng mga halamang napatakan ng tubig ulan, unti-unti ng lalago ang inyong kabuhayan. Hawakang mahigpit ang salapi at iwasang magpautang, lalo na sa mga balasubas at manunuba. Sa pag-ibig, tama ang ginagawang paghihigpit sa kasuyong maangas. Mapalad ang 2, 16, 19, 21, 26, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Maneh-Om.” Lilac at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat padala sa kalungkutan! Puwede ka namang gumamit ng social media kahit paminsan-minsan upang lumigaya. Sa pag-ibig, kapag may pagkakataong minsan lang, paligayahin ng lubos ang kasuyong matagal ng nananabik sa iyong presensya. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Red at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — May bagong pag-ibig na darating habang papalapit na ang All Saints’ Day. Kung ang relasyong mabubuksan ay magdudulot ng lihis sa kabutihang asal, agad mo itong iwasan upang hindi ka mapahamak. Bukod sa Libra, aakitin ka rin ng isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Gray at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ituloy ang balak na paglalakbay. Pagkakataon mo nang makapag-abroad. Sa pinansyal, sa malayong lugar mas aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang ipinapangako ng buwang ito ng Setyembre at Oktubre. Mapalad ang 3, 9, 23, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending