Rayver Cruz certified Kapuso na, itatambal kina Kris at Thea | Bandera

Rayver Cruz certified Kapuso na, itatambal kina Kris at Thea

Jun Nardo |September 07,2018
facebook
share this

Rayver Cruz certified Kapuso na, itatambal kina Kris at Thea

Jun Nardo - September 07, 2018 - 12:50 AM

RAYVER CRUZ

Tinuldukan na ni Rayver Cruz ang bulung-bulungan noon na lilipat siya sa GMA Network dahil totohanan na ngang nangyari ang pagtalon niya sa ibang network.

Mula nang ma-link sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez, umugong na ang balitang lalayas na siya sa kanyang mother studio at tatambling na sa Kapuso station.

Ngayong nakalipat na, ang kasunod na chika ay isasama raw ang binata sa seryeng Victor Magtanggol na pinagbibidahan nina Janine at Alden Richards. Pero mukhang hindi pa ito mangyayari anytime soon dahil sasabak na raw agad sa taping ng una niyang serye si Rayver sa GMA kung saan makakasama niya sina Kris Bernal at Thea Tolentino.

Sa totoo lang, una munang naging Kapuso si Rayver noong child star pa lang siya sa comedy series na Kiss Muna noong taong 2000. Matapos ang 18 years ay nagbabalik siya sa dating tahanan.

“It’s a new beginning for me, fresh start and open ako sa bagong challenges na gagawin ko sa GMA,” bahagi ng pahayag ni Rayer sa 24 Oras.

Ipinaliwanag naman ng aktor na hindi siya naimpluwensyahan ng kapatid na si Rodjun at rumored GF na si Janine para lumipat sa GMA.

“Nagkataon lang din naman. It’s my own decision. Tsaka before ko pa ma-meet si Janine, maging ka-close, kakilala, nandu’n naman na yung option na lumipat ako,” sabi ni Rayver.

Siyempre, looking forward din si Rayver sa posibleng pagsasama nila ni Janine sa isang Kapuso project. Pero sa ngayon, paghahandaan muna niya ang serye nila nina Kris at Thea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending