Jolo wala pang balak maghanap na bagong dyowa: Yes, I’m single | Bandera

Jolo wala pang balak maghanap na bagong dyowa: Yes, I’m single

Ervin Santiago |September 07,2018
facebook
share this

Jolo wala pang balak maghanap na bagong dyowa: Yes, I’m single

Ervin Santiago - September 07, 2018 - 12:15 AM

JOLO REVILLA

Mariing itinanggi ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang lumabas na balitang nagkabalikan na sila ni Jodi Sta. Maria.

Sa solo presscon ni Jolo para sa trilogy movie na “Tres”, nilinaw niya ang nasabing chika, “Hindi. Hindi. Hindi. As much as possible kasi I’d like to remain private, yung private life ko. Ibalato n’yo na sa akin yon. Basta malaki yung respeto ko sa kanya at sa pamilya niya. I’m single.”

Wala raw plano ang actor-politician na maghanap agad ng bagong girlfriend, “Masasabi ko naman ‘yun nang buong puso. Na wala akong…kasi unang-una, may pinagsamahan naman kami. Hindi naman nawalala ‘yun. Kasi ang tagal nga namin, eh, di ba? Eight years is eight years.”
Natanong din si Jolo kung labs pa rin niya ang ex-BF? “Hindi naman kaagad mawawala yun dahil sa lalim naman naman ng pinagsamahan namin.”

Samantala, ang muling pagsabak sa aksyon ni Jolo at ng dalawa pa niyang kapatid na sina Bryan at Luigi Revilla ay idea raw ng kanilang amang si dating Sen. Ramon Revilla, kasali na nga riyan ang muling pagbuhay sa Imus Productions.

“This film is his idea. Ginawa namin ito para sa kanya at higit sa lahat sa mamamayang Pilipino. Pinaghirapan namin ito.

“Bilang anak, we love him very much. Siguro, wala na kaming mahihiling pa dahil binigay na niya sa amin ang lahat. ’Yung pinakamahalagang naibigay niya sa amin, eh, ’yung pangalan niya. Kumbaga, ’yung royalty,” sabi ni Jolo.

Makakatambal ni Jolo sa episode na “72 Hours” (sa direksyon ni Dondon Santos) si Rhian Ramos at may special guest appearance rin dito ang ex-girlfriend niyang si Lovi Poe, “Surprise ang role ni Lovi. Ako mismo ang kumausap sa kanya para maging guest sa movie. Magkaibigan pa rin kaming dalawa,” sey ng actor-politician.

Excited na raw si Jolo at ang dalawa niyang kapatid na mapanood ng madlang pipol ang “Tres” dahil pinaganda raw nila nang todo ang tatlong episode. Napakarami raw nilang ginawang buwis-buhay stunt sa movie kaya proud na proud sila rito.

Si Brian Revilla ang bibida sa episode ng “Virgo” habang si Luigi ang magpapakitang-gilas sa “Amats.” Showing na ito sa Oct. 3 nationwide under Imus Productions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending