Julia walang arteng umangkas sa motor para hindi ma-late | Bandera

Julia walang arteng umangkas sa motor para hindi ma-late

Alex Brosas |September 06,2018
facebook
share this

Julia walang arteng umangkas sa motor para hindi ma-late

Alex Brosas - September 06, 2018 - 12:05 AM


THERE’S a viral video of Julia Barretto na nag-surface sa social media.

Pinag-usapan ang video lalo pa’t nakita ang Ngayon At Kailanman star habang nakaangkas sa isang motorsiklo with a non-showbiz guy.

Hindi namin alam kung kailan nangyari ang video but it can be deduced na parang she got the services of Angkas. Parang nagmamadali si Julia kaya naman ginamit niya ang Angkas application para mas madaling makarating sa kanyang event.

Ganoon din ang nasa isip ng netizens. Initially, naaninag lang ang mukha ni Julia dahil see-through ang kanyang helmet until nakarating sila sa event place kung saan nagtanggal ng helmet ang dyowa ni Joshua Garcia. Doon lang nakumpirma sa video na si Julia ang nakaangkas sa guy.

Actually, nagpakuha pa nga ng photo ang guy kasama si Julia.

Of course, netizens were all praises kay Julia dahil wala raw itong kaarte-arte. Pinuri rin nila ang guy at sinabing masuwerte ito dahil isang popular celebrity ang umangkas sa kanya.

Sa isang Facebook fan page account ay ito ang mga comments ng netizens.

“Ano tong angkas? Ahahaha astig! Julia Barretto.”

“Saludo po kami sayo koya…ikaw na ang pinagpalang hokage.”

“Quota na si kuya, d lng hawak sa balikat naka yakap pa.”

Samantala, sa Ngayon At Kailanman ay nagulat si Eva (Julia) nang makita niya si Ino (Joshua) sa birthday party ng lola ni Oliver (Jameson Blake).

q q q

Nagpaka-mysterious ang isang actor dahil tila hindi nito feel na pag-usapan ang kanyang sex video na kumalat sa social media.

In one event, the actor felt papunta na doon ang question kaya naman he made the move. Nilayasan na niya ang interview. Nag-walkout ang actor but hindi naman na-offend ang mga reporters especially the guy who was about to ask about his sex video scandal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maybe he’s not ready to admit it to the reporters. Or maybe he only trusts a few reporter-friends. We learned na inamin niya ang sex video scandal niya sa isang beking writer-friend niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending