Jolo, Rhian buwis-buhay ang mga stunt sa ‘Tres’ | Bandera

Jolo, Rhian buwis-buhay ang mga stunt sa ‘Tres’

Jun Nardo |September 06,2018
facebook
share this

Jolo, Rhian buwis-buhay ang mga stunt sa ‘Tres’

Jun Nardo - September 06, 2018 - 12:15 AM


UMAYAW ang Imus Productions na gumamit ng digital special effects sa pagbabalik nila sa movie production via the trilogy action flick “Tres.” Bida rito ang magkakapatid na sina Jolo, Bryan at Luigi Revilla na may kanya-kanyang episode.

Hangad din ng pelikula na mabalik ang sigla ng action movies na matagal ding nabura sa kamalayan ng Pinoy moviegoers. Komo mga normal na tao ang bahagi ng execution ng action scenes, hindi maiwasang makaranas si Jolo ng eksenang halos mabingit na sila sa kamatayan ng kapareha niyang si Rhian Ramos.

“Muntikan nang mangyari ‘yon sa car chase scene. Kasi from one car to another, ‘yung stunt double. Kasi kailangan ako ang nagmamaneho ng sasakyan. Kailangan lumipat to another car habang umaandar.

“Eh, biglang napapreno ‘yung isang sasakyan. Muntikang mahulog, buti napakapit. Kung hindi nasagasaan ‘yung tao. Talagang medyo risky ‘yung mga eksena,” chika ni Jolo sa solo pocket presscon niya para sa kanyang episode na “72 Hours”.

Ayon pa sa Vice-Governor ng Cavite, nagpasabog sila ng sasakyan sa ilang eksena.

“Binalik namin ngayon ‘yung dati. Talagang binigyan namin ng trabaho ‘yung nag-i-effects nu’ng araw sa pelikula dahil mas magandang tingnan ‘yung totoo talaga!” diin ni Jolo.

Kahit mas delikado ang pagbabalik nila ng action stunts, may mga naka-stand by naman silang fire mashalls, ambulance at iba pang kailangan kung sakaling magkaroon ng disgrasya.

Sa Oct. 3 na mapapanood ang “Tres” mula sa direksyon ni Dondon Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending