Kontrobersyal na female celeb takot na takot sa nanay ng nilait na singer-actress | Bandera

Kontrobersyal na female celeb takot na takot sa nanay ng nilait na singer-actress

Cristy Fermin |September 06,2018
facebook
share this

Kontrobersyal na female celeb takot na takot sa nanay ng nilait na singer-actress

Cristy Fermin - September 06, 2018 - 12:15 AM


DELUBYO ang inabot ng isang female personality na namintas-nanglait sa isang nananahimik na singer-actress. Kung nakamamatay lang ang mga pintas ay siguradong nasa ilalim na siya ng lupa ngayon dahil biglang nabuhay mula sa kung saan-saan ang mga faney ng kanyang pinintasan.

Kuwento ng isang source, “Natatakot na nga siyang lumabas dahil baka any moment, e, may bigla na lang manuntok sa kanya! E, ang face value niya pa naman, mukhang sinapok na siya ng magkakabarkadang adik!

“Kung bakit naman kasi inapuntahan na naman ng hilig sa publicity ng babaeng ‘yun! Tuwang-tuwa siyang napag-uusapan siya, kesehodang ikinasisira na niya ang mga issue!

“O, ano ang napala niya ngayon? Galit na galit sa kanya ang mga faney ng binulabog niyang female personality, talagang inuupak-upakan siya sa social media!

“Mata lang niya ang walang latay sa mga inaabot niyang pintas ngayon. Kung anu-anong kuwento tuloy ng buhay niya ang nauungkat,” simulang chika ng aming impormante.

Lalong nasyokot ang hitad dahil nakaabot sa kanya ang balita na hinahanap siya ng mudrakels ng female personality. Kilala niya ang karakas ng madir ng pinintasan niya, mataray ‘yun, walang inuurungan.

Balik-chika ng aming source, “Naku, huwag naman sana siyang matiyempuhan ng madir ng girl, dahil siguradong makakatikim siya ng ayaw niyang matikman!

“Nu’ng malaman niyang wanted na siya ni madir, bigla siyang tumawag sa isang friend niya, takot na takot siya, gusto na niyang manghingi ng sorry sa mataray na nanay!

“Hindi naman kasi talaga siya tatantanan ng madir na ‘yun, talagang kakatkatan siya nu’n, hanggang sa mabingi siya! E, paano kung makalimot si madir at bigla siyang syinompal?

“E, di lalong namaga ang namamaga na nga niyang face? Maganda ang naisip niyang mag-sorry na lang sa madir ng female personality para matapos na ang nerbiyos niya!

“Kaladkarin n’yo na siya palapit sa madyoray na madir, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, para matapos na ang indulto ng hitad na babaeng ‘yan!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending