Glaiza: Hindi paghihiganti ang sagot sa mga nanakit sa ’yo, pagpapatawad! | Bandera

Glaiza: Hindi paghihiganti ang sagot sa mga nanakit sa ’yo, pagpapatawad!

|September 06,2018
facebook
share this

Glaiza: Hindi paghihiganti ang sagot sa mga nanakit sa ’yo, pagpapatawad!

- September 06, 2018 - 12:30 AM

NGAYONG Sabado na ang finale episode ng top-rating and laging trending na GMA Afternoon Prime series na Contessa na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

In fairness, magtatapos ang Kapuso serye na mataas pa rin ang rating pero kailangan na nga nitong magpaalam para bigyang-daan ang bagong offering ng GMA na Ika-5 Utos.

Bilang Contessa, maraming natutunan si Glaiza, at sana raw ay nakuha rin ng manonood ang nais iparating na mensahe ng kanilang programa.

“Kagaya ni Contessa, ilang beses ka man subukang pabagsakin, kung mabuti ang intension mo, magawawagi ka pa rin. Hindi paghihiganti ang sagot sa mga taong nanakit sa’yo kundi pagpapatawad,” pahayag ni Glaiza.

Anu-ano ang mga memorable scenes niya sa serye? “Yung transition ni Bea to Contessa. Isang magandang symbolism siya na we can always redeem ourselves kahit ilang beses tayong nasaktan o nagkamali.”

Samantala, hindi pa man natatapos ang show, maraming Kapuso viewers na ang nalulungkot sa nalalapit na finale ng Contessa. Sa huling linggo ng programa, tiyak na mas magiging kaabang-abang pa ang mga eksena. At bago nga magpaalam ang Contessa, tinanong ni Glaiza ang kayang Instagram followers tungkol sa kanilang paboritong eksena sa serye.

Maraming nagsabing nai-inspire sila sa tibay ng loob ni Contessa. Maging ang mga cast ng show na sina Gabby Eigenmann, Neil Ryan Sese, Patricia Tumulak, Jay Arcilla at Karel Marquez, binalikan din ang kanilang unforgettable scenes sa programa.

Ngunit kahit tatlong araw na lang ang Contessa after Eat Bulaga, marami pang twists and turns ang dapat abangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending