PINAG-IISIPANG mabuti umano ni Sen. Manny Pacquiao ang pagtakbo sa pagkapangulo, ayon kay Sen. Cynthia Villar.
Sa #MeetInquirer Multi Media, sinabi ni Villar na desisyon ni Pacquiao kung tatakbo ito sa 2022 presidential elections.
“It’s his decision. Baka mapahamak pa siya ako pa ang sisihin niya,” ani Villar.
Sinabi ng senadora na masasabing “destiny” ang maging pangulo ng bansa.
Ayon kay Villar, nasa kamay ng masang Pilipino kung nais nila na mamuno sa bansa si Pacquiao dahil sila ang hahatol sa araw ng eleksyon.
“We have what we call the masang Pilipino. What the masang Pilipino would like, I think will happen in this country, ‘di ba? They are the majority in this country,” anito.
Sinabi ni Villar na mahirap basahin kung ano ang gusto ng masang Pilipino at maging siya ay naguguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.